Kasa nina Jason at Vickie, nakasalalay sa resulta ng Binibini...
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 28, 2019 - 12:00am

Mukhang malaki ang influence ng bagong magsisimulang Afternoon Prime drama series na Bihag na magtatampok kina Max Collins at Jason Abalos. Gaganap sina Max at at Jason na mag-asawa, at may anak sila, si Ethan (na gagampanan ng child actor na si Rafael Landicho).

After ng mediacon ng drama series, natanong si Jason kung kailan sila magpapakasal at magkaka-anak ng girlfriend na si Vickie Ruston. Six years na kasi ang kanilang relasyon.

“Magdi-depend po kasi kung mananalo si Vickie sa Binibining Pilipinas 2019, kasi isa siya sa mga contestants,” natatawang sagot ni Jason. “Full-support po kasi ako kay Vickie, like din noong last year na nag-join siya.  Naging bonding moment namin iyon, na lahat ng kailangan ni Vickie, ako ang kumukuha at dinadala ko sa kanya.  At this time, ganoon pa rin ang gagawin ko sa kanya.

“Kaya, iyong kasal po, pinaghahandaan na rin namin, pero mauuna po ang kasal bago ang baby.  Hindi po papayag ang parents niya na baby muna bago kasal,” biro pa ni Jason.

Sa Bihag, isang pediatric surgeon si Jason bilang si Brylle, na para kay Jessie (Max) ay isang perfect husband, happy ang family nila until nagkaroon ng hostage-taking at nawala si Ethan. 

Kasama rin sa cast sina Mark Herras, Neil Ryan Sese, Sophie Albert, at sa direksyon ni Neal del Rosario. Sa Monday, April 1 na ang world premiere ng GMA Afternoon Prime drama pagkatapos ng Inagaw na Bituin.

JBK Magpapasiklab

Bukas, March 29, ang first major solo concert ng JBK millennial trio titled Just Be Kind na kinuha sa mga names nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City.

Ang JBK Millennial Trio ay unang naki­lala nang mag-join sila ng The X-Factor UK in 2017. Mga talent ng GMA Artist Center, nag-underwent sila ng trainings in singing and dancing in preparation  for the concert.

Magiging special guests nila sina  Julie Anne San Jose, Bradley Holmes, Kakai Bautista and the cast of Rak of Aegis including Nina Espinosa. Si Joshua ang bagong Tolits sa Rak of Aegis.

Produced by Winstruck Events Production, part ng proceeds ng concert ay ido-donate nila sa Mabuhay Desert Foundation, YesPinoy Foundation at HERO Foundation, Inc.

Mystified, palabas na sa 22 countries

Bukas na rin, March 29, ang showing ng Mystified ng Sang’gres Production Inc. nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Diana Zubiri at Karylle at ng director nilang si Mark Reyes. 

Sina Iza, Sunshine, Diana at Karylle rin ang gumanap ng mga character, na may kani-kanilang powers, hawig sa mga character nilang ginampanan sa unang Encantadia ng GMA Network na sila ang unang nagsiganap noong 2005.

JASON ABALOS VICKIE RUSTON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with