Snooky mas pipiliin ang relihiyon kesa dyowa!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

Magkaiba ng relihiyon sina Snooky Serna at ang karelasyong si former Vice Governor Ramon Villarama. Iglesia ni Cristo siya habang ang BF ay Catholic.

Hindi naman daw ito so far nakakaapekto sa relasyon nila pero siyempre, gusto niyang maging pareho sila ng relihiyon.

Diretsahang inamin ni Snooky na if worse comes to worst, ang kanyang religion ang pipiliin niya at alam din naman daw ito ni Ramon.

“Siyempre, nobody siguro in her right mind or his right mind would not choose his faith, di ba, for anything else in the world,” she said.

“I have nothing against Catholic religion kasi ako naman, eh, I was born Catholic, but ‘yun nga lang po talaga, sa amin kasi, talagang aral po sa amin ‘yun na talagang kailangang maging equally-yoke kayo,” pahayag pa ng aktres.

Hindi raw option sa kanya ‘yung siya ang mag-adjust dahil mangangahulugan ito ng pag-alis niya bilang miyembro ng Kapatid (tawag sa mga miyembro ng INC).

“Ayoko namang mawala sa Iglesia Ni Cristo. Ganu’n po kahalaga ‘yung faith ko sa akin.”

Samantala, sa kanyang career ay masayang-masaya naman si Snooky that she’s receiving good reviews sa pagganap niya bilang Salida sa Sahaya epic serye ng GMA-7 na nagsimula last week.

Gustung-gusto rin ni Cooky (tawag kay Snooky) ang kanyang role dahil unlike in the past na siya ang api-apihan, this time ay mataray at scheming woman siya.

Kasama ni Snooky sa serye ang mga bidang sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix (BiGuel), Migo Adecer, Mylene Dizon, Jasmine Curtis (na napanood sa pilot week), Eric Quizon at marami pang iba. Napapanood ang serye pagkatapos ng Kara Mia gabi-gabi ng weekdays.

Yassi at Anne pahabaan ng pasasalamat sa nasungkit na award

Nakakatuwa ang Instagram post ni Yassi Pressman na yakap yakap niya ang kanyang tropeo ng napanalunang Best TV Supporting Actress of the Year sa katatapos lamang na 50th GMMSF (Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation) Box Office Entertainment Awards.

Makikita sa dalawang larawang ipinost niya na talagang masayang-masaya siya at sa caption ay sinabi niyang hindi siya makapaniwala sa natanggap na parangal.

”I couldn’t believe it, this was such a humbling recognition, thank you so so so much to everyone that gave me the love, trust, support and strength to get here. to everyone i thanked yesterday, i meant that, with my whooooole heart.

“Sobrang salamat po sainyo. Alam ko pong napakarami ko pa pong kailangan matutunan, at magiging inspirasyon po talaga ito para lalo ko pa pong pagbutihan,” ang caption ni Yassi.

Bukod kay Yassi, tila nasa cloud nine rin si Anne Curtis na recipient naman ng special award called Golden Jury Award for Excellence as Millennial MultiMedia Entertainer.

Ipinost naman niya ang plake na natanggap at kitang-kita sa caption niya kung gaano siya kasaya. Aniya ay bunga raw ito ng 22 years of hard work and it’s all worth it.

“Thank you to the Board of Jurors of the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation for this very special honour as GOLDEN JURY AWARDEE FOR EXCELLENCE AS MILLENNIAL MULTIMEDIA ENTERTAINER - that is only to be given for the celebration of 50 years of the GMMSF Box Office Awards.

“People often say that a jack of all trades is a master of none but the origin of that is actually a Jack of all trades is a master of none BUT oftentimes better than a master of one..” ang bahagi naman ng mahabang caption ni Anne.

RAMON VILLARAMA SNOOKY SERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with