Humupa na ang sama ng loob, Kim proud sa Film Actress of the Year award

Bigo mang manalo si Kim Chiu ng Best Actress noong 2018 Metro Manila Film Festival para sa Regal movie niyang One Great Love, naibsan lahat ang kalungkutan na kanyang nadama that time dahil sa nakaraang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, siya ang Film Actress of the Year.

“We don’t get what we want everyday, but when we do, it gives us that strange feeling of complete satisfaction,” unang bahagi ng litrato ni Kim sa Instagram hawak ang pumpon ng bulaklak.

Matapos pasalamatan ang lahat ng involved sa movie, dagdag ni Chinita Princess, “This recognition will serve as an instrument to never be afraid of going out from your comfort zone once in a while.”

Take note, hindi lang si Kim ang pinarangalan ng GMMSF dahil ang co-actors niyang sina Dennis Trillo at JC de Vera bilang Film Actor of the Year at Movie Supporting Actor of the Year respectively.

Samantala, kamakailan lang ay nagkaroon ng international screening ang One Great… sa US at Canada.

Marian kabuwanan na!

Winner naman ng Bert Marcelo Lifetime Achievement Award si Marian Rivera sa GMMSF. Kahit naka-maternity leave sa trabaho, personal na tinanggap ni Yan ang kanyang parangal.

Bago ang parangal na ito para kay Yan dahil karamihan ng mga natanggap niya eh may kinalaman sa trabaho niya bilang akres, host at endorser.

Sa post niya sa Instagram, sinabi niyang patuloy siyang, “magiging estudyante ng buhay at makapagbigay ng inspirasyon sa iba...na ang tanging hangad ay makapagbigay saya sa mga taong walang sawang nagmamahal.”

Teka, kung kabuwanan ngayon ni Marian, aba, ilang araw na lang at manganganak na siya!

Anyway, congratulations, Marian!

Show comments