Snooky at Maricel pinagtatapat pa rin
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

Ang pocket presscon ni Snooky Serna kahapon sa Papa Kim’s Korean Bakery & Coffee sa Tomas Morato, Quezon City.

Humarap sa entertainment press si Snooky para ibahagi ang kanyang kasiyahan dahil sa magandang feedback sa role niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Sahaya.

Naaliw si Snooky nang sabihin ko na nabuhay na naman ang intrigahan ng mga fan nila ni Maricel Soriano dahil katapat ng Sahaya ang The Ge­neral’s Daughter ng ABS-CBN kung saan kasama sa cast si Maricel Soriano.

Sabi ni Snooky, hindi man sila nagkikita ni Maricel, ok naman silang dalawa.

Type rin ni Snooky ang idea na magkaroon sila ng reunion movie ni Maricel kasama ang Underage beauty co-star nila na si Dina Bonnevie, pero sana huwag naman daw Overage ang title ng magiging reunion project nila.

Nilinaw nga rin pala ni Snooky ‘yung tungkol sa ex-husband niyang si Ricardo Cepeda, na civil naman siya rito dahil mabuti itong tatay sa kanilang mga anak.

‘Yung issue naman na may mga nagre-react dahil sinasabi raw niya na friends sila ng girlfriend ni Ricardo na si Marina Benipayo, klinaro niya na ang sinasabi niya na friends sila ni Marina ay ‘yung wala silang problema at very thankful siya rito dahil mabait nga ang girlfriend ni Ricardo sa kanyang mga anak.

Samantala, sinabi rin ng aktres na sobrang thank­ful siya sa pag-aalaga sa kanya ng GMA-7, lalo na sa role niya sa Sahaya.

Sylvia at Art spotted sa screening ng Kuya Wes

Ang napakaraming artista/celebrities Podium Mall sa Ortigas Center noong Saturday.

Nandoon ang mag-asa­wang Ogie at Regine (Velas­quez) Alcasid para sa special screening ng Kuya Wes na pi­nun­tahan din ng mag-asa­wang Mayor Richard at Lucy (Torres) Gomez, pati ni Bayani Agbayani at Ronnie Henares.

Kasabay rin ang Ulan special screening na sinipot naman ni Carlo Aquino.

Namataan ko rin ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde at ilang kapa­milya nila na kumain sa Spa­nish restaurant na kinainan din nina Ogie at Regine.

Nandoroon din ang veteran newscaster na si Mel Tiangco.

Hindi bonggang first birthday ng bunso nina Richard at Sarah, maraming nadismaya!

Dahil sa pagre-react kaagad ng ibang fans sa hindi pagkakaroon ng bonggang birthday party ng bunso nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Baby Kai, lilinawin ko na isasabay na lang ‘yon sa binyag ng bata sa June.

Ngayon pa lang, pinaplano na nina Richard, Sarah at Annabelle Rama ang big event na ‘yon.

Kinakausap na rin nila ang mga kinukuhang ninong at ninang.

Ayaw ni Tita Annabelle na hindi sisipot ang mga magnininong at magnininang kay Baby Kai.

Papalit sa My Special Tatay, nakahanda na

Ang press launch mamaya Bihag, ang bagong afternoon series ng GMA-7.

Ang Bihag ang papalit sa My Special Tatay na magtatapos na sa Friday.

Sina Max Collins, Mark Herras, Jason Abalos, Neil Ryan Sese, at Sophie Albert ang mga magbibida sa Bihag.

SNOOKY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with