Kier nagpasalamat kay Gretchen
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

Hindi lang ni-like ni Gretchen Barretto ang post ni Kier Legaspi sa Instgagram (IG) na “Thank you. God bless you and your family @gretchenbarretto” bilang pasasalamat sa paglinaw ni Gretchen sa isyu nina Kier at anak na si Dani Barretto sa inilabas na blog ni Grethen.

Nag-comment pa si Gretchen ng “I FEEL YOU” kaya nagpasalamat si Kier dahil nalaman ng nakapanood ng blog na nag-effort si Kier na mapalapit sa anak, hindi lang pumayag si Marjorie Barretto.

Kasama na ring ni-like ni Gretchen ang quotation card na pinost ni Kier galing kay John Lennon na “Being honest may not get you a lot of friends but it’ll always get you the right ones.”

Jak sinayawan si Barbie kahit may sakit

Binisita ni Jak Roberto ang GF na si Barbie Forteza sa bahay nito dahil nagkasakit ang aktres na bida sa Kara Mia. Sinayawan ni Jak ang GF at macho dancing na ginawa niya sa eksena sa Magpakailanman. Macho dancer ang role ni Jak, kaya pinasampulan niya si Barbie.

Nag-post si Barbie ng “Salamat sa pagdalaw sa batang may sakit. Muntik gumaling ang ubo ko sa sayaw mo. Papanoorin ko tlaga ‘to bukas sa Magpakailanman! Great job, mahal ko!”

Ang ganda ng comments ng mga kapwa Kapuso artists sa post ni Barbie habang sinasayawan siya ni Jak.

Kyline udlot kina Tekla at Alden

Parang nabago ang planong pelikula kay Kyline Alcantara dahil ang u­nang balita, kasama siya sa cast ng Kiko En Lala na launching movie ni Super Tekla at produced ng GMA Pictures.

Pero, hindi natuloy sa nasabing pelikula at ang sabi, ililipat siya sa gagawing movie ni Alden Richards sa GMA Pictures. Kaso, hindi muna natuloy ang pelikulang gagawin ni Alden sa GMA Pictures dahil ang movie sa Star Cinema kasama si Kathryn Bernardo ang gagawin nito.

Mabuti na lang at kinuha si Kyline para pagbidahan ang pelikulang Black Lipstick na bagong version ng Blusang Itim ni Snooky Serna. Ang leading man sa Inagaw na Bituin  na si Manolo Pedrosa ang kapareha niya.

GRETCHEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with