Erik nire-request na magpakita ng katawan
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 21, 2019 - 12:00am

Timing ang bagong single ni Erik Santos na ang title ay Nais na hindi lang para sa mag-partner kung hindi puwede ring inspirational song.

 

Ang galing nina Robert Calma at Jonathan na siyang nag-compose ng kanta na may magandang lyrics.

Walang kupas ang boses ni Erik na ang sarap pakinggan. Hindi nagbabago ang tinig niya na tagos sa puso. Masakit sa dibdib ang nasabing kanta, masasabing isa ito sa best singles ni Erik na puwedeng ga-wing theme song ng isang movie o teleserye.

Request ng fans na bigyan pa ng isang music video si Erik kasama naman si Angeline Quinto. 

Samantala, napapansin naman ng ilan niyang mga tagasuporta ang magandang built ng kanyang katawan ngayon.

Kinakantiyawan tuloy siya, sana raw ay m­aghubad ito ng t-shirt sa music video, tutal naman ay bakat ang dibdib nito na kinatakaman ng iba.

ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with