^

Pang Movies

Cristine Reyes hiningi ang pagko-kontrabida!

YUN NA! - Jun Lalin - Philstar.com
Cristine Reyes hiningi ang pagko-kontrabida!
Cristine Reyes

Ang press launch kahapon ng Nang Ngumiti Ang Langit ng ABS-CBN na magpa-pilot telecast na sa Monday bago mag-It’s Showtime.

Marami ang nagtaka kung bakit pumayag si Cristine Reyes na gumanap na may pagkakontrabida ang role dahil sa trailer pa lang ay ipinakita na inaapi niya ang batang bida, si Sophia Reola, na gumaganap bilang si Mikmik.

Sabi ni Cristine, ginagawa pa lang niya ang series na Tubig at Langis ay nagsabi na siya kay Direk Ruel Bayani (head ng RSB Drama Unit) na gusto naman niyang gumawa ng ganung klase ng role para maiba naman.

Maging ang anak ni Cristine na si Amarah na napanood daw ang trailer ng Nang Ngumiti Ang Langit ay sinabihan siya kung bakit siya bad kay Sophia, pero ipinaliwanag niya sa anak na akting lang ang kanyang ginagawa. At trabaho lang ‘yon at hindi talaga totoo na nang-aapi siya ng bata.

Alam ni Cristine na marami ang magagalit sa kanya sa role niya sa Nang Ngumiti Ang Langit, pero ok lang ‘yon sa kanya dahil nangangahulugan lang na effective siya sa role na ginagampanan ng eereng drama.

Sunud-sunod nga pala ang projects ni Cristine dahil next week na rin ang showing ng pelikula niyang Maria under Viva Films.

Online shopper dinemanda ng aktres

Ang social media post ng isang kilalang online reseller na sinasabing tagabili rin ng Hermes bags ng isang aktres.

Ang tungkol sa paghingi ng discount ng ibang mamimili ang pinost ni online reseller.

Sinabi rin ni online reseller na mas matakot ang mga mamimili sa mga online reseller na mahilig magbigay ng discount.

Tama ang online reseller na ‘yon dahil may kilala ako na ang hilig magbigay ng discount at mahilig ding magbigay ng free items sa ilang celebrities na ang kapalit lang ay ang pagpo-post ng tungkol sa business nila, pero ang ending, marami sa mga ‘yon ang may problema na ngayon.

May isa nga na may mga tinanggap na bayad, pero hindi na nakapag-deliver ng items.

May isa rin na nagkaproblema sa isang aktres at nakademanda na nga yata dahil may hindi rin nai-deliver na items kahit bayad na.

Ang palaging drama ng ibang palpak na online resellers ay “nabiktima” rin kasi sila.

Well, ingat-ingat!

Right, Ateng Salve?! (Naman. Dapat kilala online seller. – Salve A.)

Raymond 2x kung mag-workout kahit nasa bakasyon

Ang five-night vacation ni Raymond Gutierrez sa Nihi Sumba Island sa Indonesia.

Nakabalik na ng bansa si Raymond at pawang magaganda ang kuwento niya tungkol sa exclusive resort na ‘yon. “Super private and super nice service. It’s one hour flight from Bali,” sabi ni Raymond nang makausap ko kahapon at idinagdag pa nga na one of his new favorite places in the world ang lugar na ‘yon.

Actually, sabi pa ni Raymond, “David Beckham and his family were there a few months ago. And it’s also where Brody Jenner, brother of Kendall and Kylie, got married.”

Ang followers nga pala ni Raymond, bukod sa nagandahan sa lugar na ‘yon ay pinag-uusapan din ang kanyang summer-ready body.

Marami kasi sa pictures na pinost ni Raymond sa kanyang Instagram account (@mond) ay naka-short lang siya.

Kitang-kita nga ang abs ni Raymond. More than two years na rin naman na ganoon ang katawan ni Raymond and in fairness to him, never na siyang nagpabaya at bumalik sa dating habit na kain nang kain at hindi nag-e-exercise.

Hanggang ngayon, mapili pa rin sa pagkain si Raymond at kahit nasa bakasyon, madalas ay twice a day pa rin kung mag-training sa gym.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with