Augusto Victa
Greatest radio drama actor of all time na si Augusto Victa, iki-cremate bago paglamayan!
RATED A - Aster Amoyo (Philstar.com) - March 20, 2019 - 12:00am

Isa na namang mang-aawit ang binawian ng buhay noong nakaraang Lunes, March 18 ng alas-9:17 ng umaga, ito ay ang veteran radio drama actor-turned TV and movie actor na si Augusto Victa, 87 ang tinaguriang “Greatest radio drama actor of all time” ng DZRH na pinaglingkuran niya ng mahabang panahon.

Ang nasabing pagkilala kay Augusto ay igi­nawad sa kanya sa ika-75th anniversary ng DZRH.

Since hindi pa gaanong uso noon ang telebisyon at mga teleserye, ang drama series noon sa radio ang ginagawang libangan ng mga tagapakinig, lalo na sa DZRH na siyang nangungunang radio station noon at may pinakamaraming radio drama programs.

Maituturing siya noong superstar dahil sa kanyang taglay na ‘golden voice’.

Nang unti-unting ma-divert ang attention ng radio listeners sa mga radio drama program sa telebisyon, pumasok din si Augusto sa TV at pelikula bilang actor. Napasama siya sa long-running TV series noon, ang Anna Liza na tumagal mula 1980 hanggang 1985. Nakagawa rin siya ng ilan pang TV series at maging sa pelikula.

Nakasama siya sa pelikulang Relasyon in 1982, Missing In Action, Bulaklak sa City Jail, Manalo Matalo Mahal Kita in 1984, Escapo in 1995 at iba pa.

Ang US-based na si Valen Victa, isa sa siyam na anak ng yumao ang siyang nag-arrange ng lahat remotely. Nakatakda siyang dumating galing Amerika sa darating na Biyernes, March 22 maging ang iba niyang mga kapatid. Kinabukasan, Sabado, March 23 sa ganap na ika-10 ng umaga ay nakatakdang i-cremate ang mga labi nito.

Sa araw naman ng linggo, March 24 sa ganap na ika-5 ng hapon ay bibigyan ng Celebration of Life si Augusto sa Loyola Memorial Chapels in Sucat, Parañaque kung saan inaasahan ang pagdalo ng kanilang mga kaanak, mga kaibigan at dating mga kasamahan sa trabaho ng yumao.

Mula sa amin dito sa Pang Masa (PM), ang aming buong pusong pakikiramay sa mga naulila ni Augusto Victa.

Meryll at Jerika super friends na

Alam mo, Salve A., hiwalay man ang actor na si Bernard Palanca sa dalawang ina ng kanyang dalawang anak na sina Elijah at Isaiah na sina Meryll Soriano at Jerika Ejercito, naging close namang magkaibigan ang dalawa niyang exes na Meryll at Jerika maging ang half-siblings na sina Elijah at Isaiah.

Si Meryll ay ex-wife ni Bernard at may isa silang anak na si Elijah habang si Jerika naman ay ex-girlfriend ng actor kung kanino naman siya may isang anak na isa ring boy, si Isaiah.

Hindi na nag-effort si Bernard na maging close sa isa’t isa ang dalawa niyang anak sa magkaibang babae dahil ang dalawa niyang exes na mismo ang nag-effort na maging close maging sa kanilang mga anak.

AUGUSTO VICTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with