Showtime may franchise na rin sa Indonesia

Kung ang longest-running noontime show na Eat Bulaga ay unang nagkaroon ng franchise in Indonesia nung July 16, 2012 on SCTV Network na nagtapos nung April 3, 2014 and carried out by ANTV Indonesia from November 17, 2014 to August 8, 2016, ang rival program and network naman nitong It’s Showtime ng ABS-CBN ay magkakaroon din ng franchise sa Indonesia sa pamamagitan ng MNCTV at tatawaging It’s Showtime – Indonesia.

Wala pang detalye kung kelan magsisimulang mapapanood ang It’s Showtime franchise sa Indonesia pero naka-post na ito sa Facebook ng MNCTV ng Indonesia.

Dating child actor na si Renz, magtatapos na magna cum laude

Kung nabubuhay pa ngayon ang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, tiyak na proud ito na magtatapos sa kolehiyo na magna cum laude ang isa sa kanyang mga anak-anakan sa Walang Tulugan with the Master Showman, ang dating child actor na si Renz Valerio.

Hindi ginawang balakid ni Renz sa kanyang pag-aaral ang kanyang pagiging busy sa kanyang mga showbiz commitments dahil binigyan din niya ito ng 100% commitment.

Ang 20-year old na si Renz ay magtatapos na magna cum laude ng Bachelor’s degree in Marketing Management sa Our Lady of Fatima in Antipolo City at ang bago niyang achievement ay dedicated niya sa kanyang parents na proud sa kanya, ang kanyang sister na si Mica at ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Jo-Anne Mingo.

Piolo nagpaka-faney kay Inigo

Nagmistulang `fan’ o di kaya `stage dad’ si Piolo Pascual habang nagpi-perform ang kanyang binatang anak na si Inigo Pascual sa ASAP Natin `To last Sunday.

Nasa gilid lamang ng stage si Papa P at kumukuha ng pictures ng anak at hindi nito ikinakaila na super proud siya sa kanyang kaisa-isang anak na si Inigo who is carving a name of his own.

Samantala, ipinakita naman ni Daniel Padilla ang kanyang pagmamahal sa kanyang ka-love­team at real life girlfriend na si Kathryn Bernardo nang ito’y bigyan ng kanyang advance birthday celebration on ASAP Natin `To last Sunday.  Kathryn will be turning 23 on March 16.

Ipinakita rin ni Daniel hindi lamang ang kanyang pagmamahal sa kasintahan kundi maging ang kanyang suporta sa nalalapit nitong pakikipag-tambal kay Alden Richards na isang Kapuso actor sa isang pelikulang isu-shoot sa Hong Kong at nakatakdang idirek ni Cathy Garcia-Molina, the same director na nagbigay kina Kathryn at Daniel ng kanilang box office record ng P915-M para sa pelikulang The Hows of Us.

Show comments