^

Pang Movies

Mga barkada ni Marjorie Barretto may allergy kay Gretchen

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga barkada ni Marjorie Barretto may allergy kay Gretchen
Gretchen at Claudine Barretto

Malabong mag-ala Claudine

Marami ang natutuwa sa sweet moments ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto na makikita sa kanilang social media accounts.

Marami ang nagsasabing maganda kung pati si Marjorie Barretto ay mare-reunite sa dalawa.

Pero posible kaya ‘yon lalo na at maraming kabarkada si Marjorie na tila ayaw ni Gretchen o ayaw kay Gretchen?

Pero malay natin, in the future, maging ok rin sila.

Sana nga... career ni Pops sa amerika natulungan ng TWB

Ratsada rin si Pops Fernandez.

Pagkagaling niya sa variety show sa Bangued, Abra, nagpahinga lang siya sandali at nag-fly na pa-Los Angeles, California.

Noon pa naka-schedule ang pagpunta ni Pops sa L.A., pero hindi naman yata dahil sa The World’s Best kung saan ay isa siya sa Wall of the World na tawag sa mga judge sa show na ‘yon ng CBS.

Dahil nga pala sa exposure ni Pops sa show na ‘yon, tiyak na mas makikilala na siya sa paglilibot niya sa L.A.

Sundan na rin kaya siya ng mga paparazzi?

Anyway, ang alam ko, nasa L.A. rin ang ex-husband ni Pops, si Martin Nievera at ipinapasyal ang bunsong anak na si Santino.

Magkita kaya sila roon?

Kapag nagkakasabay kasi sila sa L.A. at may mga pagkakataon na nagkikita sina Pops at Martin.

In fairness, nauwi man sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, good friends naman silang dalawa.

Kaibigan din ni Pops ang girlfriend ni Martin na si Anj del Rosario.

Ogie at Nadine sabay ang opening!

Ang Kuya Wes nina Ogie Alcasid at Ina Raymundo, pati ang Ulan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino ay magbubukas sa mga sinehan bukas.

Marami ang nagsasabing dapat suportahan ang dalawang pelikulang ito para sumigla uli ang local movie industry.

In fairness, parehong nakakuha ng grade A mula sa CEB (Cinema Evaluation Board) ang Kuya Wes at Ulan.

Sana nga sipagin ang movie-going public at parehong panoorin ang Kuya Wes at Ulan.

Snooky at Maricel may tapatan

Ang press launch kagabi ng Sahaya nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Ang Sahaya ang papalit sa Onanay simula sa Monday.

Kasama sa cast ng Sahaya si Snooky Serna at kasama naman sa cast ng The General’s Daughter na makakatapt nila sa ABS-CBN si Maricel Soriano.

So, simula sa Monday, may tapatan na naman sina Snooky at Maricel.

‘Yun na!

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with