^

Pang Movies

Labi ni Chocoleit nailipat na sa Antipolo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Labi ni Chocoleit nailipat na sa Antipolo

Sobrang heart-breaking ang video ng last performance ni Chokoleit, 46, bago siya bawian ng buhay noong nakaraang Sabado, March 9 habang nasa Abra siya para sa Kawayan Festival 2019.

Makikita sa video na hirap na hirap na siyang huminga pero itinuloy pa rin niya ang kanyang performance. Sa kanyang spiel ay pinagpapawisan na siya at paputul-putol na nga ang kanyang mga sinasabi dahil hinahabol na niya ang kanyang hininga.

Ayon sa report ng DZMM kahapon, after the performance ay nagsabi na nga si Chokoleit na nahihilo na siya at talagang nahihirapan nang huminga kaya isinugod na siya agad sa Abra Provincial Hospital kung saan ay idineklara siyang DOA (Dead on Arrival) at ayon sa attending physician na si Dr. Rosauro Seares, pulmonary edema and heart attack ang naging sanhi ng pagkamatay ng komedyante.

Bumuhos naman kahapon ang pakikiramay sa social media ng mga taga-showbiz sa pagyao ng komedyante.

Nag-trending sa Twitter ang hashstag na #RIPChokoleit at napakaraming nabigla’t nalungkot sa pagyao niya lalo na nga ang malalapit na kaibigan at kapwa komedyante.

Maging ang Governor ng Abra na si Joy Bernos ay nagpahatid ng kanyang pakikiramay at nagpasalamat sa pagbibigay ng kasiyahan sa kanila ni Chokoleit “with utmost level of professionalism.”

Sa post ni Eric John Salut ng ABS-CBN sa Facebook kahapon, inilipat ang labi ni Chokoleit (whose real name is Jonathan Aguilar Garcia) kagabi sa Paket Santiago Funeral Homes sa  #13 Bgy. Mayamot, Marcos Hi- way, Antipolo City, Rizal.

Pagkatapos sa China, Heart sa Amerika naman maglalagi para sa bagong pelikula

Hindi pa rin allowed si Heart Evangelista na sabihin kung ano ang international film na ginawa niya sa China kamakailan although nilinaw na rin naman niya noon pa na hindi ito ang sequel ng Crazy Rich Asians.

Hindi niya talaga raw pwedeng i-share pa ang mga detalye at ang masasabi lang niya ay “it’s not for here (Philippines)” and added, “pero hopefully, lumabas din siya rito coz I really wanna show to Filipinos what I did.”

Nakausap namin si Heart last Saturday sa launching ng kanyang LMxKamiseta collections sa Trinoma branch ng Kamiseta Ph na bukod sa ine-endorse niya ay creative director pa siya.

When asked kung how was it filming what she did, aniya, “sobrang hirap! Ito talaga, I’ve never done anything like this in my life. It was physically tiring.”

May gagawin din daw siyang isa pang international movie sa US kaya masayang-masaya siya. Imagine nga naman dalawang magkasunod at sey nga niya, hindi raw niya akalaing at 34 ay mabibigyan pa siya ng ganitong pagkakataon.

Aalis na raw siya for US next month at isang buwan din siyang mawawala.

Masayang-masaya rin ang aktres to be a part of Kamiseta Ph officially bilang bagong creative director.

“We just launched me today as the creative director but Miss Cris (Roque, owner of Kamiseta) and I, we’ve been collaborating a lot with the looks on the store, the dresses and it’s nice to officially be part of the family,” she said.

Sey pa niya, ang saya raw na may nara­ting ang kaaartehan niya at the end of the day.

“And you know, just being yourself, and I’ve always been very expressive about who I am, and it’s nice na nanganganak siya, so, ayun, I guess, I’m on the right track,” she said.

Ang pagpe-paint niya sa mga bags ay tuluy-tuloy pa rin kaya naman binabalanse niya rin ang mga schedules niya. Plus kailangan din siya siyempre ng mister niya na tumatakbong Governor ng Sorsogon ngayong eleksyon.

“My husband and I are very supportive of each other. So, hindi rin naman siya ‘yung parang. . .ayaw din naman niya ‘yung parang kailangan, ‘yung asawa niya, nandoon. He also respects that, na ayaw niya naman na ganu’n. So, I really appre­ciate that.”

Pero siyempre from time to time ay pupunta rin siya ng Sorsogon.

“Lagi naman kaming pumupunta do’n, actually, pupunta ako do’n next week,” sey pa niya.

vuukle comment

CHOCOLEIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with