Aga may pa-pelikula sa 50th birthday

Napanood namin ang video ni Aga Muhlach nang bumisita sa Viva Films office at kasama niya sa video sina Vincent del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus. May kasama pa sila sa video na kundi kami nagkakamali ay si director Nuel Naval.

 

Parang meeting na yata ‘yun dahil muli raw gagawa ng pelikula sa Viva Films si Aga. Ang caption ng video ay “At the Viva HQ Surprise. Aga Muhlach starts new movie with director #nuelnaval about miracles, in time for his 50th birthday!”

 

Sa August 12, ang birthday ni Aga at kung tama ang basa namin, sa birthday niya ang showing ng pelikula na tungkol daw sa “miracles.” Si Nuel Naval ang director ng balik-Viva Films movie ni Aga.

Dingdong tinatrabaho na ang adaptation na korean film

Sa contract signing at introduction kay Dingdong Dantes bilang first celebrity endorser ng Persian Avenue niya nalaman kasama ang anak nila ni Marian Rivera na si Zia as “one of the most beautiful; children” of Asian stars. Lumabas sa isang Vietnamese website ang nasabing balita.

Tinanong si Dingdong kung ibabalita niya kay Zia ang tungkol dito, ang sagot ni  Dingdong, hindi na. Ang katuwiran ng aktor, baka hindi pa maintindihan ng anak at kung maintindihan man, baka lumaki ang ulo.

Samantala, nakapag-pictorial na si Dingdong para sa pelikulang A Hard Day na gagawin niya sa Viva Films at adaptation ng hit Korean movie. Ang alam niya, wala siyang leading lady at sisimulan niya ang shooting after manganak ni Marian na this March na.

Siyanga pala, masarap pala talaga ang Persian Avenue na ini-endorse ni Dingdong. Kaya pala sa photo shoot, nakain niya ang props na Beef Wrap, kaya kinailangang palitan ang props.

Nanay ni Kathryn, boto agad kay Alden

Nabasa namin ang item na nababaitan ang mom ni Kathryn Bernardo kay Alden Richards at positive ang dating nito sa fans ni Alden. Kung matutuloy ang sinasabing pelikulang pagtatambalan nina Kathryn at Alden, ibig sabihin, hindi kokontra ang mother ni Kathryn.

Nagkasamang endorser ng Sterling Notebook sina Kathryn at Alden at nagkasama sila sa events at promo ng Sterling Notebook at siguradong nagkakuwentuhan at doon nakilala ng nanay ni Kathryn si Alden. Mabait daw ang aktor at ‘yun ang hindi makakalimutan ng nanay ni Kathryn.

Maingay na ang sinasabing pelikula nina Kathryn at Alden, wala pa mang kumpirmasyon na matutuloy. Sana nga matuloy para ibang tambalan naman ang mapapanood ng moviegoers.

Benjamin at Julie Anne malabong maging friends

Ang ganda ng post ni Benjamin Alves na “An honor to be working with you young superstars” na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang tinutukoy. Nag-comment si Benjamin sa post ni Miguel sa Instagram (IG) ng teaser ng Sahaya na tampok sina Bianca at Miguel at kasama sa cast si Benjamin.

Anyway, malalaman natin kung ano ang magi­ging koneksyon ni Zoren kina Jasmine at Bianca sa presscon ng Sahaya bukas, Monday. Sa March 18, na ang start ng airing ng epic serye.

Speaking of Benjamin, kita ang lungkot nito sa interview sa kanya sa 24 Oras talking about his late father at break-up nila ni Julie Anne San Jose. Kaya lang, maliban sa pag-amin na break na sila ni Julie Anne, hindi na nagsalita si Benjamin sa break up nila ng singer-actress.

Ayaw ding magsalita ni Julie Anne, kaya hindi natin malalaman ang raso ng kanilang paghihiwalay. Nakakalungkot dahil parang hindi na rin sila friends, kaya walang chance na makapag-usap sila sa ngayon.

Show comments