^

Pang Movies

Zia curious na sa mga bagay-bagay!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Zia curious na sa mga bagay-bagay!

Nalalapit na ang pangangak ni Marian Rivera sa second baby nila ni Dingdong Dantes at ayon sa aktor, gabi-gabi bago matulog ay nagdarasal sila ng Holy Rosary at nagno-novena para sa safe delivery ng kanyang misis.

 

Dahil dito ay nagtatanong daw ang panganay nilang si Zia kung bakit nila ginagawa ‘yun.

“Sabi ko, “it’s prayer, it’s praying the rosary,” and then, (tinatanong niya), bakit kailangang gawin ‘yun, so pinapaliwanag namin,” sey ni Dingdong kahapon sa press launch ng Persian Avenue food chain, kung saan ay pormal na ipinakilala ang aktor as its newest brand ambassador.

Natutuwa si Dingdong na nasa stage na ng cu­riosity si Zia at nagtatanong na ng mga bagay-bagay lalo na tungkol sa religion.

In a few weeks daw ay manganganak na si Ma­rian sa kanilang baby boy kaya hindi na raw siya talaga pwedeng lumayu-layo pa.

“Medyo malapit-lapit na talaga kaya hindi na ako pwedeng lumayo pa sa Metro Manila,” natatawa niyang sey.

Wala pa raw silang napipiling name ng kanilang baby boy pero may mga pinagpipilian na raw silang dalawang pangalan na lang.

Bilang preparasyon ay nagbabawas na raw sila ng trabaho at sa Holy Week ay dito na lang daw sila.

Samantala, ang Persian Avenue ay pag-aari ng magkapatid na Arjay at Paolo Lapid ng Ange­les, Pampanga. In a span of 4 years, they were able to create 34 branches at target nila for 2019 na magkaroon ng 150 branches.

Proud si Dingdong na mapiling brand ambassador ng nasabing food store at plano rin niyang magkaroon ng franchise nito. Aniya, bago pa man siya kuning endorser ng Persian Avenue ay pina-patronize na niya ito.

Teddy gustong bigyan ng payo si JK!

Sa presscon ng Papa Pogi na launching film ni Teddy Corpuz ay nahingan ng reaksyon ang Rocksteddy leader at co-host ng It’s Showtime tungkol sa talk of the town na controversy ni JK Labajo kung saan ay minura nito ang isang fan na sumigaw ng “I love you Darren” habang nagpe-perform siya sa Rakrakan Festival last March 1.

Nahingan si Teddy ng opinyon since rock star nga rin siya at aniya, gusto nga raw niyang kausapin si JK nang magkasama sila sa isang gig, 3 days ago.

“Gusto ko sanang kausapin na, ‘uy, ano ha, hinay-hinay lang sa mga ano, ha, especially sa pagmumura.’ Kasi pag bata ka, parang feeling mo minsan, cool ‘yung nagmumura ka or pag ra­kista ka, cool ‘yung nag-aano ka, ganyan.

“So, baka lang ano, baka lang kailangan din ng guidance ng isang rakista to rakista. So, siguro, kung may time kaming mag-usap, puwede ring i-encourage ko siya na ‘uy, steady ka lang sa ano, pag may ganu’n, tawanan mo lang or ‘uy, thank you ha?’ or may ibang pa­raan to do that naman din siguro para hindi disrespectful also,” sey pa ni Teddy.

Kung sa kanya raw kasi nangyari ‘yun ay magte-thank you na lang siya at hindi na magpapakita ng pagkapikon.

Masaya naman ang singer na nakabalik na siyang muli sa pag-arte na una niyang naging career noong time na wala pang Rocksteddy. Sa GMA-7 siya noon at nakasama sa Idol ko si Kap sitcom at Sugo na fantaserye ni Ri­chard Gutierrez.

Ang Papa Pogi ang kanyang unang pelikula at biggest break din sa acting kaya naman sobrang thankful siya sa Regal Films.

Showing na sa March 20 ang Papa Pogi mula sa direksyon ni Alex Calleja. Kasama rin sa movie sina Donna Cariaga at Myrtle Sarroza bilang leading ladies ni Teddy, kasama rin sina Lassy, Joey Marquez, Dawn Chang, Hashtag members Nikko Natividad, Zeus Collins and Luke Conde.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with