^

Pang Movies

Pagpapalibing, sinaklolohan ni Coco

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pagpapalibing, sinaklolohan ni Coco

Si Coco Martin sa burol ng indie actor na si Kristofer King sa Rizal Funeral Homes sa may Pasay City.

Sagot na ni Coco ang lahat ng mga gagastusin para maipalibing na si Kristofer sa Sunday.

Sobrang thankful si Nikki Reyes, misis ng yumaong indie actor, sa kabaitan ni Coco.

Sabi ni Nikki, alam niyang sobrang busy si Coco, pero talagang nagpunta ito sa burol ng yumaong kaibigan.

Kasamang nagpunta ni Coco sa burol ni Kristofer ang premyadong direktor na si Brillante Mendoza.

Marami ring entertainment press ang nag-abuloy para makatulong sa mga inulila ni Kristofer.

Personal shopper ni Heart, low-key lang

Personal shopper ng ilang mga celebrity si Mello Briones.

Nakasabay ko si Mello na mas kilala sa Instagram account niya na @indayshopper sa airport lounge ng NAIA Terminal 1. Pabalik na si Mello sa Belgium.

Identified ang pangalan ni Mello o Inday Shopper kay Heart Evangelista.

May mga nagsasabing personal shopper ni Heart si Inday Shopper, pero quiet lang siya tungkol sa bagay na ‘yon. Maraming showbiz friends si Inday Shopper, pero malayo siya sa ibang mga may online shop na namedroppers!

Yul hindi nagbabago

Ang magkapatid na Yul Servo at Apple Nieto sa pa-meet the press nila noong Monday night.

Hindi maikakailang magkapatid sila dahil kung super smile palagi si Yul, ganoon din si Apple.

In fairness to Yul nga pala, hindi pa rin siya nakakalimot sa mga kaibigan niya sa entertainment press kaya nang makaluwag siya sa kanyang schedule noong Monday ay nagpa-dinner at kuwentuhan siya.

Kara Mia parang magtatagal

Tumataas ang ratings ng Kara Mia. Palaban ang fantaserye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Mukhang hindi isang season lang ang itatagal sa ere ng Kara Mia. Masaya ang top bosses ng GMA 7 sa magandang feedback nito.

Sunshine balik-ABS na

Sobrang ganda raw ng role ni Diana Zubiri sa Dragon Lady ni Janine Gu­tierrez na magsisimula nang umere sa Monday.

Kay Sunshine Cruz unang in-offer ang role na ‘yon, pero may offer din ang ABS-CBN sa ex-wife ni Cesar Montano. Hindi natuloy ang series na dapat ay gagawin ni Sunshine, pero may sisimulan na rin naman siya sa Kapamilya network.

Pero may nagsabi sa akin na kapag napanood ni Sunshine ang Dragon Lady ay baka panghina­yangan niya.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with