Pakikipag-duet kay Ariana, malaking bagay sa TNT!
Pakikipag-duet kay Ariana, malaking bagay sa TNT!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 22, 2019 - 12:00am

Malaking achievement para sa TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion ang pag-appear nila sa show ni James Corden na The Late Late Show With James Corden. Bukod pa rito, sinorpresa sila ng kanilang idolo na si Ariana Grande.

 

Habang ini-interview ni James Corden ang tatlo, wala silang kamalay-malay na nasa backstage na pala si Ariana at handang-handa na silang sabayan sa pagbirit.

Hindi makapaniwala ang tatlo nang lumabas si Ariana at makita nilang papalapit sa kanila. Si Mackie ay halos maiyak, si Kiefer ay napatigil sa pagkanta, habang si Francis naman ay napa-upo pa.

Sabay-sabay na kumanta ang apat sa kanta ni Jennifer Holiday na I Am Telling You I’m Not Going na talaga namang pinalakpakan ng mga audience.

Nag-umpisa ang TNT Boys o kilala rin sa tawag na The Big Shot Trio, sa Tawag Ng Tanghalan Kids sa It’s Showtime, naging guest sila noon sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice kung saan pinag-showdown sila sa pamamagitan ng kantang Listen ni Beyoncé at doon sila nito tinawag na TNT Boys.

Bukod sa The Late Late Show… lumabas na rin sa maraming international show ang tatlo, ilan na rito ang Little Big Shots sa U.S. at The World’s Best.

Sila rin ang champion noon sa Your Face Sounds Familiar Kids 2018.

ARIANA GRANDE TNT BOYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with