^

Pang Movies

Karylle at Yeng wala sa plano ang baby!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Karylle at Yeng wala sa plano ang baby!

Marami ang naiinip kung kailan daw ba balak ng parehong multi-talented singers na sina Karylle at Yeng Constantino na magkaanak.

 

Year 2014 nang ikinasal si Karylle sa multi-talented musician na si Yael Yuzon.

Tiyak daw na kahit si Zsa Zsa Padilla ay inip nang magkaroon ng apo kay Karylle.

Samantala, Zia, Zsa Zsa’s second daughter, is reportedly in a romance with Martin Nievera and Pops Fernandez’s elder son, Robin.

Ang tatay ni Zia ay ang King of Comedy, Dolphy, habang ang tatay naman ni Karylle ay ang dentist na si Modesto Tatlonghari.

Of Yeng and husband na non-showbiz na si Victor ‘Yan’ Asuncion, 2015 naman nang sila ay ikasal. Yeng is now in her 30’s.

Lito gustong pabangunin ang movie industry

Sobra raw ang naiambag sa kanyang popularidad kung ano man ang ini-enjoy niya ngayon, ani Lito Lapid, ang kanyang stint as actor at pagiging action director sa FPJ’s Ang Probinsyano. Na labis niyang ipinagpapasalamat kay Coco Martin, who heads the cast, and of course, sa Dreamscape Entertainment headed by ABS-CBN Business Unit head, Deo Endrinal.

Mantakin mo raw, kahit maliliit na bata, kung tawagin siya ay ‘Pinuno,’ ito kasi ang kanyang role sa Ang Probinsyano.

Ganunpaman, ‘di raw ang popularity ang dahilan kung bakit ninais niyang tumakbong muli sa Senado. After having previously served bilang Senator for three terms, feel niya lang daw na marami pa siyang panukalang dapat gawin, lalo’t para sa mga mahihirap nating kababayan, na pag na-implement ay makakatulong ng malaki para umangat ang kanilang kabuhayan.

By now, it’s common knowledge na ‘pinatay’ na ang karakter na gina­gampanan niya sa Ang Probinsyano, dahil nga he is running for Senator in the May 2019 elections.

Foremost din sa kanyang agenda, kapag pinalad siyang muling maging Senador, ani Lito, ay matutulungan ang local showbiz. Aware daw siya sa malungkot na state ng ating film industry ngayon.

Beauty hindi na pasaway

Beauty Gonzales is a certified former housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen.

She was 17 when she became a boarder ni Big Brother. Kilala siya noon for being rebelde while inside Kuya’s house, pero ngayon, isa na siyang ideal housewife and mother at 27.

Beauty is married to art connoisseur Norman Crisologo and mother to nearly three-year-old Olivia.

She is now busy sa serye nila ni Albert Martinez, ang Kadenang Ginto.

Samantala, inamin ni Beauty na hindi biro ang makasama sa isang project na tulad nito, na ang ilan ay magagaling pang mga artista, maliban kay Albert. Nandiyan nga raw si Dimples Romana, na kanyang ka-eksena most of the time. Kahit daw ang younger performers na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz ay ubod ng galing din.

Suwerte raw niyang makatrabaho bilang direktor si Direk Jerry Lopez Sineneng. Wish niya raw na makatrabahong muli si Direk Jerry sa mga future projects niya.

Coleen gagawa ng sampung pelikula

Wala rin munang balak obviously sina Coleen Garcia at asawang si Billy Crawford na maging parents soon. They have been married for almost a year now.

Kapipirma lang ng contract ni Coleen with the Viva Artist Agency, at five years daw ang pinirmahan niyang contract sa talent agency with the assurance na within that period, gagawa siya ng 10 movies.

Viva Artist Agency rin si Billy, who was pre­viously being managed by Arnold Vegafria. 36 years old na si Billy, an only child of an American and a Filipina.

Habang 26 naman si Coleen na parehong Pilipino ang parents.

KARYLLE

YENG CONSTANTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with