Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
KathNiel next year pa uli gustong gumawa ng pelikula!
YUN NA! - Jun Lalin (Philstar.com) - February 20, 2019 - 12:00am

Uy bakit kaya?

Tama ba ang tsikang narinig ko na gusto kaagad sundan ng Star Cinema ang all-time biggest earning local movie na The How’s Of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo? Pero isa raw sa KathNiel love team ang nagsabing dapat munang pag-isipang mabuti ang magiging follow-up movie nila?

Hindi rin daw gusto ng taong ‘yon na agad-agad ang next movie nila.

Ang suggestion nga raw, next year na sila gumawa ng follow-up movie para naman sigurado manabik muna ang mga fan.

Well…

Bea mas naging katakam-takam

Marami ang nagsasabing katakam-takam ang katawan ngayon ni Bea Alonzo dahil kamakailan nga ay kumalat ang picture niya na naka-two-piece na pinost niya sa kanyang Instagram account.

Sabi ng ibang mga fan, sa new series daw na sisimulan nila ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN, sana raw ay mag-two-piece rin si Bea.

Sana rin daw ay may beach scene sila ni Richard at magpakita rin ng abs ang lovey-dovey ni Sarah Lahbati.

Hmph! Puwede dahil kung si Bea ay panay ang exercise at diet, gayundin naman si Richard, huh!

Actually, sabay pa nga sina Richard at Bea kung mag-exercise at kamakailan ay nag-post din si Richard ng keto diet niya.

Of course, parehong pinaghahandaan nina Richard at Bea ang series nila sa Kapamilya network na first time nila bilang magka-partner.

Martin guguluhin ang tambalan nina Ken at Rita

Ngayon pa lang ay nakikinita ko na na maba-bash ng mga fan ng loveteam nina Ken Chan at Rita Daniela sa My Special Tatay, ang afternoon top-rating series ng GMA-7, kay Martin del Rosario.

Idinagdag kasi ng Siyete sa cast ng My Special Tatay si Martin.

Eh, ex-husband ng Aubrey character ni Rita ang role na ibinigay kay Martin sa nasabing series, kaya for sure, kaiinisan siya ng mga fan ng dalawa.

Eh, ‘di nga ba at si Arra San Agustin talaga ang leading lady ni Ken sa My Special Tatay, pero dahil sa grabeng feedback ng viewers sa kanilang dalawa ni Rita, biglang ang singer/actress na talaga ang pinaka-leading lady ngayon ni Ken.

Naku, kung saka-sakali, kawawa si Martin, huh!

Catriona umaapaw ang PR, pinagbibigyan lahat ng nagpapa-picture!

Ateng Salve, parang type kong abangan ang pagparada bukas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Alam mo kasi, Ateng Salve, nakakatuwa ‘yung mga magagandang nari

rinig tungkol sa ugali ni Catriona.

Sobrang ma-PR daw kasi ang reigning Miss Unievrse.

Sobrang bait daw ni Catriona.

Lahat nga raw ng nagpapa-picture sa dalaga ay pinagbibigyan niya hanggang kaya niya, huh!

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with