Sarah
Sarah at Matteo nakuha na ang basbas ni Mommy Divine?!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Kung nakaka-in love ang version ni JM De Guzman ng 214 na orihinal na kinanta ng bandang Rivermaya, napa-wow naman ang mga tao sa rendition ni Sarah Geronimo sa nasabing kanta.

Mapapakinggan ang rendition na ito ni Sarah sa podcast streaming platform na Spotify.

Nakatawag naman ng pansin ang pagpo-promote ng Spotify PH sa OPM songs. May playlist na matatagpuan doon na Spotify Jams: OPM Love Songs ang pangalan.

Marami agad ang tumutok sa nasabing podcast streaming mula nang marinig ang teaser audio ni Sarah sa YouTube.

Samantala, kamakailan lang ay pinag-usapan din ang performance ni Sarah sa naganap na Papal visit sa UAE. Kinantahan niya ang mahigit 135,000 katao na nanonood sa kanya.

Usap-usapan na rin na malapit na silang magpakasal ng kanyang boyfriend of more than 5 years na si Matteo Guidicelli dahil mas naging visible na sila ngayon at kitang-kita na hindi na sila nagtatago. Ang tanong ng marami, binigyan na nga kaya sila ng basbas ni Mommy Divine?

Of 214, theme song ito ngayon ng pelikulang Alone/Together nina Liza Soberano at Enrique Gil na kasalukuyang tumatabo pa rin sa takilya.

SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with