KathNiel
KathNiel
Daniel at Kathryn ‘di pa break, Karla pumiyok din sa proposal sa Japan
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Hindi totoong break na sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo tulad ng mga espekulasyong naglalabasan. Ito ang nilinaw ni Karla Estrada sa presscon kahapon para sa comedy film niyang Familia Blondina directed by Jerry Lopez Sineneng.

“No. For the record, walang ganyan. Hayaan na natin ‘yung mga nag-iisip ng ganyan,” pagli­linaw ni Queen Mother.

Nagsimula kasi ang isyung nagkakalabuan diumano ang KathNiel dahil sa biglang pag-unfollow ni Daniel kay Kathryn sa Instagram account na sinagot na rin naman ng aktres by saying aksidente niyang napindot ang “block” button.

Ayon kay Karla, natawa na lang daw sila tungkol sa “unfollow issue”.

“These things really happen sa mga magkakarelasyon and maganda naman do’n, na-explain naman ni Kathryn na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow or. . .di ba, parang ganu’n?

“Kami, tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yang mga bagay na ‘yan. Hindi naman daw niya sinasadya, di ba, she was saying? But of course, huwag na tayong manghimasok do’n, hayaan na natin sila sa mga ganun-ganun nila, di ba?

“Basta’t ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa buhay-pamilya niya at lalung-lalo na sa kanyang buhay-trabaho,” sabi pa ni Karla.

Natanong din sa bagong momshie ng comedy ang tungkol sa natsismis na nag-propose raw si Daniel kay Kathryn sa Japan, at ayon kay Karla ay wala rin itong katotohanan.

“Well, ‘yung mga proposals na ‘yun nun’g nandu’n sila sa Japan, hindi sila ‘yun. So, nag-assume lang tayo, no? ‘Yung mga nakapanood. And actually, hindi naman talaga big deal ‘yun. May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon and ako ang unang makakaalam nu’n,” ani Karla.

Samantala, natanong din sa TV host/actress kung ano ang gusto niyang title – Queen Mother of Comedy or Comedy Momshie at sagot niya ay ang huli.

“Comedy Momshie. ‘Yun ang pinakagusto ko talaga. Napakaganda ng Queen Mother, no? Para sa mga anak ko, ako naman talaga ay Queen sa kanilang pananaw at paningin.

“Pero gusto ko ‘yung pangkalahatan – Momshie. Di ba? Para mas maraming makatawag sa akin, mas madali akong abutin kahit hindi ko naman kaaano-ano, they can always talk to me as Momshie Karla,” she said.

So, dapat bang kabahan na sina AiAi delas Alas at Pokwang?

“Grabe naman,” sey niya. “Wala naman, I think, parang maganda nga na isang araw ay magkakasama kami sa isang pelikula. Gaano kaya ka-riot ‘yun, di ba?

“Eh kasi, mga senior ko rin ‘yung mga ‘yun. Magkakaibigan kami noong araw pa. Napakahilig kong makipagkwentuhan sa mga taong nakakatawa.

“Kasi, numero uno rin akong hagikgik, eh. Bungisngis din ako konting kibot. Alam n’yo naman ‘yan na masayahin akong tao, di ba?” saad ng Momshie ng Komedya.

Proud na proud si Karla sa Familia Blondina dahil sobrang nakakatawa raw talaga ang pelikula. Showing na ito sa Feb. 27 at kasama niya rito sina Jobert Austria, Marco Gallo, Kira Balinget, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela. Ito ay produced ng Arctic Sky and distributed by Cine Screen.

KATHNIEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with