Enrique Gil at Liza Soberano
Enrique sa phone lang sinagot ni Liza!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

Hindi lang sa Gandang Gabi Vice umamin si Enrique Gil ng kanilang relasyon ni Liza Soberano kundi maging sa Tonight With Boy Abunda rin na inere naman last Monday.

Pero may karagdagang impormas­yon si Quen dahil ikinuwento niya kung paano siya sinagot ni Liza. Nasa Australia raw siya that time at tinawagan niya sa phone ang ka-loveteam.

“For some reason, I just said ‘I couldn’t stop thinking about her’ and I was in Australia. Sabi ko, ‘iba na ‘to.’ I called her up on the phone. It was kinda cheesy.

“Sabi ko, ‘I think ito na yata ito, I don’t know, pero, baka, I love you.’ For two seconds, three seconds, she didn’t say anything and then she said, ‘I think I like you, too. I love you, too.’ And I was in Australia, I was like, I gotta go back home!” kuwento ni Quen.

Inamin din ng aktor na noong una ay nagkaroon din siya ng doubts na hindi siya sagutin ni Liza.

“But I just really showed her who I was. I was just a fun guy, nagpapatawa lagi. I’m not really trying to put up a front. I just want to show her that it’s okay to spill ice cream in your shirt. It’s okay to go out in the rain sometimes, have fun,” sey pa ni Enrique.

Sinabi rin ni Quen na “Liza is my life” at siya raw ang pinakamasuwerteng lalaki na in-love.

Nagpa-tattoo kasi Glaiza selos na selos sa relasyon ni Angelica kina Kim at Bela

Ewan kung talagang nagseselos si Glaiza de Castro sa friendship ng kaibigang niyang si Angelica Panganiban with Kim Chiu and Bela Padilla.

Sa latest Instagram post kasi ni Angelica ay tila nagpapaliwanag siya kay Glaiza sa kanyang caption.

“Mga chix ko lang si @bela at @chinitaprincess. Ikaw talaga mahal ko @glaizaredux wag ka na mag selos sa nunal namin,” ang caption ni Angelica sa kanyang video na ipinost.

Sa video naman ay makikita namang nagkakatuwaan sila ni Glaiza at sinasabihan niya ang kaibigan na ito ang mahal na mahal niya.

“Chix ko lang ‘yung AngBeki, siya ‘yung mahal ko,” sabi ni Angelica na tawa nang tawa.

Sabi naman ni Glaiza na tumatawa rin, “hoy, magagalit sila, mapapanood nila ‘to.”

Ang AngBeki ay pangalan ng grupo nina Angelica, Bela at Kim na kuha mula sa mga unang syllables ng kanilang mga pangalan.

‘Yung nunal naman na sinasabi ni Angelica ay pagpapalagay ng Ang Beki ng dot tattoo sa kanilang left wrist. Ipinost na nga nina Kim at Bela ang kanilang tattoo na tatlo na mala-nunal lang naman ang hitsura.

“Miss these 2!! We may not see each other most of the time but we always have each others back!!! lav yeah both!!!! #AngBeKi rocks!!!!! stronger than ever!!!!!! (wow!!! ano daw?!!” ang caption ni Kim sa mga series of photos na ipinost niya kung saan ay makikitang nagpapalagay sila ng dot tattoo.

Caption naman ni Bela, “We got inked!!! (This was supposed to be the test for our fourth member, [itago natin sa pangalang @danvillegas ] who conveniently had to leave when it was his turn.”

May nagpayo naman kay Glaiza na sumali na rin daw ito sa grupo at gawin na lang AngBekla.

ENRIQUE GIL LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with