^

Pang Movies

Campaign manager, nawindang sa presyo ng isang ‘platform’ sa mga gustong mangampanya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nalula ang campaign manager ng isang kandidato nang magtanong ng rate para makapag-guest ang tinutulungang pulitiko.

Halos mahulog sa upuan ang campaign manager nang sabihin ang presyo na ayon sa aming source ay milyones ang hinihingi, huh! Tumiklop na lang ang namamahala sa kampanya at hindi na nagsalita pa.

Sa ibang medium na lang daw niya gagastusin ang malaking halaga dahil mas malawak pa ang exposures na makukuha ng tinutulungang kandidato.

Jinggoy mas gustong mag-ikot sa Pinas kesa gumawa ng pelikula

Wala sa plano ni Senator Jinggoy Estrada ang gumawa ng pelikula this year hindi tulad ng kaibigan niyang si Senator Bong Revilla, Jr.

“Tumaba ako eh! Wala, wala munang pelikula. Mag-iikot ako sa mga pro­binsiya para sa kandidatura ko,” pahayag ni Sen. Jinggoy sa dumalong press sa advance birthday celebration niya ngayong February 17.

Pero nasa priorities pa rin ng senador ang pagtulong sa movie industry na alam niyang matagal nang naghihirap. Nais niyang imungkahi na bigyan ito ng subsidy lalo na sa magagandang movies nang sa gayun ay magkaroon ng global appeal.

Sinegundahan naman siya ni Edu Manzano na dumalo rin sa okasyon. Gusto niyang magkaroon ng film commission na tutulong sa gumagawa ng pelikula at lawakan ang market sa ibang bansa. Tumatakbong Congressman ng San Juan si Edu.

Present sa okasyon ang anak niyang si Janella Estrada na tatakbo bilang Mayor ng San Juan. Alam niyang may pera ang kanyang kalaban kaya tatapatan niya ito ng sipag sa pag-iikot at tapat na serbisyo kung sakaling palarin.

Pero kung si Sen. Bong ay hindi pa rin tuluyang nawawala ang trauma kapag nakakita ng pulis at CCTVs, nalampasan na ‘yon ni Sen. Estrada.

Napatawad na rin niya ang mga taong naging dahilan ng pagkakakulong niya dahil mas marami pa siyang probinsiyang kailangang libutin para muling makapaglingkod sa bayan.

Nathalie pakakasal na agad

Nanganak na ang seksing aktres na si Nathalie Hart. Babae ang panganay niya sa asawa niyang foreigner at pinangalangan niyang Penelope.

Matapos manganak, nakatakdang pakasal si Nathalie sa Indian businessman fiancé niyang si Mayank Shara, sa Sydney at New Delhi.

Naudlot man ang career dahil sa pagbubuntis, para kay Nathalie, beautiful angel ang kanyang anak.

vuukle comment

NATHALIE HART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with