Lorna Tolentino
Lorna healthy at peaceful ang buhay
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 7, 2019 - 12:00am

Nag-reminisce ako nang makita ko si Lorna Tolentino sa Annabel’s restaurant noong Martes.

Happy naman ako na mukha siyang healthy, peaceful at natuwa rin ako nang malaman ko na matagal na silang friends ni Rhea Tan na isa sa mga favorite friend namin.

Tuwang-tuwa ako na makita na close sa isa’t isa ang mga alaga ko. Parang magkakapatid, barkada talaga. Nang malaman ni Lorna na nasa Annabel’s restaurant din si Bong Revilla, Jr., talagang pinuntahan niya pa para batiin at tapos, nagpaalam sila ni Rhea Tan.

Lucky me dahil favorite sina Lorna at Bong ni Mylene, ang favorite secretary ni Rhea.

I feel so happy that day dahil nakasama ko na naman ang dalawa sa mga favorite alaga ko.

Parang mga anak o pamilya ang trato ng mga talent manager sa kanilang mga alaga. Part na sila ng buhay namin so everytime we see them we feel happy.

Dahil old na ako, hindi ko na sila masyadong nababantayan hindi tulad noon na tambay ako sa mga shooting at taping nila.

Actually, nami-miss ko na palagi kaming magkakasama pero understand naman nila na kailangan na maaga akong matulog at hindi na puwede na madalas na magpuyat.

Halos lahat ng mga alaga ko, adjusted na sa schedule ko. Spoiled manager ako kaya happy ako.

Thank you babies ko, I appreciate your love and understanding sa Nanay Lolit ninyo na pasaway.

Jinggoy may pa-advance birthday party

After Bong Revilla, Jr., si former Senator Jinggoy Estrada naman ang makakapiling ng entertainment writers.

Kung si Bong ang kasama ng showbiz press sa Chinese New Year celebration noong Martes, sila naman ang makakatsikahan ni Jinggoy sa advance birthday celebration nito.

Sa February 17 pa ang actual birthday ni Jinggoy pero 10 days early ang kanyang pagdiriwang dahil magiging busy na siya sa pangangampanya na opisyal na magsisimula sa February 12.

Natapos ni Jinggoy ang kanyang term bilang senador kaya muli niyang babalikan ang puwesto na kanyang iniwan noong makulong sila ni Bong sa PNP Custodial Center ng Camp Crame.

Siyempre, kasama si Jinggoy sa listahan ng mga senatoriable na iboboto ko dahil mahusay siya na public servant. Nakita naman ng lahat ang galing ni Jinggoy bilang senador sa mga imbestigasyon noon ng Senate blue ribbon committee.

Matteo proud boyfriend ni Sarah

Nakaka-proud ang pagkanta ni Sarah Geronimo nang bumisita si Pope Francis sa Abu Dhabi, UAE.

Nag-perform si Sarah pagkatapos ng misa ni Pope Francis na dinaluhan ng libu-libong tao.

Siyempre, nagbunyi ang mga Pilipino sa mini-concert ni Sarah na pinalakpakan nang todo dahil sa bonggang pag-awit niya sa The Prayer at sa ibang mga sikat na Pinoy song.

Relihiyoso at madasalin ang mga Pinoy na nagtatrabaho at nani­nirahan sa UAE kaya hindi nila pinalampas ang pagkakataon na makita nang personal si Pope Francis at mapanood ang performance ni Sarah.

Kung proud na proud ang mga Pinoy dahil kay Sarah, mas prouder ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na number one fan ng girlfriend niya.

Nakakatuwa ang surprise appearance ni Sarah sa UAE visit ni Pope Francis dahil walang publicity o fanfare. Ginulat na lamang niya ang lahat sa kanyang special participation sa isang napakahalaga na event para sa mga Katoliko at Arabo.

LORNA TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with