Lovi Poe walang kaabug-abog sa paghubad sa bagong endorsement!
Topless si Lovi Poe sa video na inilabas sa Instagram para sa bagong campaign ng Belo Medical Group pero may suot naman siyang panty.
Nakaupo ang Kapuso actress na walang saplot sa bandang harap at likod ng shoot habang tila may pinapahid sa likod at legs niya. Pagdating sa trabaho, wala talagang takot si Lovi, huh!
Caption niya sa video, “BTS for out campaign shoot.”
Komento ni Bianca Gonzales, “Your body is inane.”
Hot na hot ang ilan niyang followers sa shoot na ‘yon at walang ibang nasabi kungdi, “Grabe ka, Lovi!”
Janine may pa-‘I love you’ sa pakikiramay kay Rayver
Idinaan ni Janine Gutierrez ang pakikiramay sa social media sa rumoured boyfriend sa pagpanaw ng ina nitong si Beth Cruz. Take note, bukod kay Janine, nakiramay rin ang ina ng aktres na si Lotlot de Leon at tita na si Matet de Leon.
Nakakaintriga nga lang ang komento ni Janine na, “Love you b.” Kung “b” ang tawagan nila ni Rayver, hindi na dapat kumpirmahin ang kanilang relasyon, huh!
Bumuhos din ng pakikiramay sa kanila ng kapatid na si Rodjun mula sa ilang Kapuso at Kapamilya artists.
Pancreatic cancer ang ikinamatay ng ina nilang magkapatid.
Gabbi nagpa- patayo na agad ng bahay!
Nagpapatayo na ng bahay ang Kapuso artist na si Gabbi Garcia base kanyang Instagram post. Take note, 2014 siya nagsimula sa showbiz pero nakaipon na siya ng pera para sa pinagagawang bahay, huh!
Tatlong floors ang bahay na pinagagawa na ang hula ay may 250 square meters, huh! At least, alam niya kung saan dadalhin ang kinitang pera sa trabaho.
- Latest