Claudine naghahanap na naman ng maaampon!

Mukhang mag-a-adopt uli ng baby si Claudine Barretto at nabanggit nitong baby boy ang gusto ng mga anak niyang sina Sab at Santino. Para ngang naghahanap na si Claudine ng baby na ma-a-adopt dahil nagpunta sila ng mga anak sa Cribs na lagi nilang pinupuntahan.

 

May post si Claudine na mahal niya ang mga bata sa Cribs at tinutulungan at sinusuportahan nila. Kuwento pa ni Claudine, walang pera ang mga anak para ibili ng milk at diapers. “Sab told me ‘Mommy our time & spending time is help & giving too.’ aww my heart melted. Now they really want to ADOPT again.”

Pinuri ng kanyang supporters si Claudine for having a big heart para sa mga batang walang magulang at nasa pag-aalaga ng Cribs.

Isa pang magandang balita kay Claudine, pina-follow na uli nito sa Instagram (IG) ang kapatid na si Gretchen Barretto. Hoping ang fans ng Barretto sisters na simula na ito para maa­yos, maging magkaibigan at maging “magkapatid” na uli sina Gretchen at Claudine.

Dasal din ng nagmamahal sa mga Barretto na maging okay na si Gretchen at ang parents niya.

Kylie nag-aral mag-motor

Nakalagay sa press kit ng TODA One I Love na kasama sa cast sina Raymond Bagatsing at Kim Do­mingo, pero wala ang dalawa sa presscon. Although, may nabasa kami na kasama nga sa cast si Ray­mond at nagbabalik GMA-7 siya sa political rom-com series na airing na simula bukas, February 4.

Guest si Jaclyn Jose sa show bilang si Madam Princess at si Gladys Reyes ang laging ka-eksena.

Anyway, para sa role niyang si Gelay, nag-aral magpatakbo ng motorsiklo si Kylie Padilla at inamin din nitong nahirapan siya sa first day taping dahil co­medy ang TODA One I Love. Sa drama at action kasi siya nasanay, pero dahil sa mga kasama at kay director Jeffrey Hidalgo, nagawa niya ng maayos ang kanyang mga eksena.

Pero, pagdating sa action scenes, walang problema kay Kylie dahil kayang-kaya niyang gawin. Hindi lang naiwasang masaktan siya sa isang eksena at nasuntok ang mukha, wala rin namang nangyari kay Kylie pero kinailangan pa ring dalhin sa ospital at ipa-X-ray.

Carla nakahinga na ng maluwag sa kontrata sa GMA

Wala naman palang dapat ikatakot si Carla Abellana na baka hindi na i-renew ng GMA Network ang kontrata niya dahil muli siyang pinapirma ng kontrata. Noong isang araw siya pumirma ng renewal at ibig sabihin, may mga project pang gagawin sa network ang aktres.

Nang magtapos kasi ang Pamilya Roces, may post si Carla na parang nagwo-worry dahil hindi alam ang susunod na mangyayari sa kanyang career. After nang renewal of her contract, sabi ni Carla, “Happiness is being a KAPUSO again.”

“I’m very happy. It’s my 10th year in show business and in GMA. To say na sobrang happy and grateful na nag-trust ulit ang GMA sa akin is an understatement. Imagine 10 years in the industry and in GMA, so happy na binigyan ako ng opportunity uli. Hindi lang siya blessing for the New Year kundi blessing siya for my 10th year in the business,” sabi ni Carla.

In fairness, isa si Carla sa loyal sa GMA Network at sa mga interview, lagi nitong sinasabing wala siyang balak umalis sa GMA-7 at lumipat sa ibang network.

Show comments