Janine nagsisipag sa Elise

Ang sunud-sunod na press interviews ni Janine Gutierrez para sa Elise na magsu-showing na sa February 6.

Hindi lang ang Regal Entertainment, Inc. producer ang may pa-presscon para suportahan ang Elise movie ni Janine.

Kahapon, may pa-presscon din ang GMA Artists Center para sa Elise at ngayon, ang manager naman ni Janine na si Leo Dominguez ang may pa-interview para suportahan ang pelikula ng kanyang talent.

In fairness, maganda ang dating ng trailer ng Elise at maraming nagsasabing potential winner ito sa takilya.

Sana nga ay maging successful ito sa takilya dahil nakakalungkot na wala pang local movie ang nagtagumpay sa takilya ngayong 2019.

Ice ikinorek ang pagbubuntis

Mali ang akala ng marami na si Ice (Aiza) Seguerra ang magbubuntis para sa magiging anak nila ng misis na si Liza Diño.

Malaki kasi ngayon si Ice, kaya ang sinasabi niya, mataba lang daw siya at hindi buntis!

Si Liza ang magbubuntis para sa magiging anak nila.

Puwede rin daw na maging twins ‘yon.

Ang eggs ni Ice ang ipina-freeze at may sperm donor naman sila.

Dalawa ang pinagpipilian nila na maging sperm donor. Si “Superman” na blue eyes at si “Boy Pogi” raw na may pagka-Spanish ang dating.

Gusto raw sana nila ay sa September na magbuntis si Liza, pero dahil sa 100 years ng pelikulang Pilipino at busy ang kanyang misis, sa December na lang daw gagawin ‘yon at sana nga raw ay magbuntis agad si Liza para next year ay may anak na sila.

Nora nag-regret sa Jesusa ni Sylvia

Ang press launch kahapon ng pelikulang Jesusa na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Si Nora Aunor ang first choice na magbida sa pelikula, pero umatras ito pagkatapos ng maraming mga kundisyones.

Bago raw napunta kay Sylvia ang role, tatanggapin na sana uli ni Nora, pero may desisyon na sila na si Sylvia na ang gawing bida sa Jesusa.

Mukhang wala namang problema kay Sylvia na hindi siya ang original choice sa Jesusa.

Mas importante nga naman na si Sylvia ang final choice, huh!

Lani may pasampol!

Ang live guesting bukas ni Lani Misalucha para sa Magandang Buhay ng ABS-CBN.

May pa-sample bukas si Lani para sa Timeless Classics Valentine concert nila ni Martin Nievera .

Sa February 14 na ang Timeless Classics sa PICC at ibang-iba raw ito sa mga naging Valentine concerts nina Lani at Martin.

Pati mga kakantahin daw nila ay ibang-iba!

Show comments