^

Pang Movies

Lolit walang planong mag-sorry sa mga nagbanta!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lolit walang planong mag-sorry sa mga nagbanta!

Walang balak mag-apologize ang veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis sa magkapatid na Jesus at Nicko Falcis dahil aniya ay wala naman daw siyang alam na kasalanang ginawa niya sa mga ito.

“Bakit ako maga-apologize eh wala naman akong ginagawa,” ani Nay Lolit nang makatsikahan namin kahapon sa presscon ng Timeless Classics Valentine concert nina Martin Nievera at Lani Misalucha na gaganapin on Feb. 14, 8 pm sa PICC Plenary Hall.

May bali-balita kasing idedemanda umano ng accountant na idemanda ni Kris Aquino si Nay Lolit dahil sa mga isinulat at ipinost nito sa Instagram na tila kumakampi kay Kris.

Sa isang IG post ni Nay Lolit ay nagkomento ang magkapatid sa comments section at winarningan siya na maging maingat sa mga sinasabi nito lalo na sa usapin ng kanilang kaso ni Kris.

Nag-demand din si Atty. Jesus na mag-apologize si Nay Lolit kay Nicko dahil sa mga umano’y paninirang post nito sa kanyang kapatid.

“Basta ang masasabi ko lang diyan, pag idenemanda ako ng magkapatid, dapat, sagutin ni Kris ang lawyer ko, no! Dahil sa kanya kaya ako nademanda,” sey pa ni Nay Lolit.

Jennylyn totodo sa pagtakbo

Sa kabila ng pagiging abala ni Jennylyn Mercado sa paghahanda para sa kanyang upcoming drama series sa GMA-7 at naka­-lineup na dalawang pelikulang gagawin, naisingit pa ng Kapuso Ultimate Star ang sumali sa marathon sa Japan.

Sa ngayon ay puspusan na nga ang preparations na ginagawa ni Jen para sa nasabing marathon at panay ang training. Recently nga ay ipinost niya sa kanyang Instagram account ang picture niya habang tumatakbo at nilagyan niya ng hashtag na #roadtofujimarathon2019.

Sa November pa naman gaganapin ang Mt. Fuji International Marathon kaya marami pa siyang oras para mag-training.

Sabi ng aktres sa panayam sa 24 Oras, kailangang isama na raw niya talaga sa goal niya for this year ang pagsali sa nasabing marathon.

“Kasi, kung hindi ako magre-register at hindi ko talaga siya plano for this year, tatamarin lang akong tumakbo,” ani Jen.

Dati nang nahilig sa triathlon si Jen pero ang pinaka-hate raw niya sa tatlong discipline ay ang running. Kaya malaking challenge daw talaga sa sarili niya na ito ang gagawin niya ngayon.

Dapat ay sa Hokkaido Marathon na gaganapin sa August sasali si Jen pero nagdesisyon siyang mag-register na lang sa Mt. Fuji International Marathon.

At siyempre, suportadong-suportado ng boyfriend niyang si Dennis Trillo ang bagong challenge na ito na kanyang papasukin.

Kinumpirma rin ng Ultimate Star na sasali rin siya sa Metro Manila Film Festival this year. Kung anong pelikula ay hindi pa niya idinetalye.

Malapit na rin siyang magsimula ng bago niyang serye sa GMA-7 na Love You Two kung saan ay makakasama niya for the first time si Gabby Concepcion.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with