Showbiz mommy na negosyante, napintasan ang mga produkto
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - January 29, 2019 - 12:00am

Bad reviews ang natanggap ng isang showbiz mommy na sumusubok maging negosyante.

Maganda ang packaging ng business ni showbiz mom na inactive ang career pero nang tikman daw ng mga nakabili, dismayado sila sa lasa at sa laman ng magandang jar.

Sa labas lang daw maganda, pero chaka ang lasa.

Mapanlinlang daw ang magandang hitsura nito sa labas.

Well, mas tama talagang sulit ang binibili ng mga consumer para mas pumatok pa ang negosyo. Pag kasi na-try na nila at hindi nagustuhan, ayun na mabilis kakalat ang masamang review.

Jake at Kylie lumantad na!

Oh sina Jake Cuenca at Kylie Versoza na nga ba?

Maraming nagtatanong matapos nang mag-post si Jake ng photo nila together ng dating beauty queen na katrabaho niya sa Los Bastardos.

Mabilis nag-agree ang followers ng actor na bagay sila.

Since makipag-split si Jake sa model GF niya last year, wala uling na-link sa kanya.

Si Kylie naman ay hindi masyadong maingay ang lovelife although noon may pino-post siya sa IG na umano’y BF nito.

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with