AiAi pilit ginagaya si Jennifer Lopez
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Nakakatuwa ang paghahamon ni AiAi delas Alas kay Jennifer Lopez nang paseksihan at ang ginamit na picture sa kanyang paghahamon ay ang picture niyang naka-red two-piece swimsuit.

Tuwang-tuwa ang followers ni Ai-Ai sa paandar nito at pati si Martin Nievera, napa-“wow” sa kaseksihan ng Comedy Queen. Wala kaming nabasang pamba-bash kay Ai-Ai at naengganyo pa nga nito ang female followers niya na mag-diet at mag-workout, na dalawang bagay na ginagawa niya.

Samantala, sa tatlong pelikula mapapanood this year si AiAi. Mauunang ipalabas ang Sons na showing sa March 27, 2019 kasama niya rito ang Ex-Battallion. Next na showing ang Feelinials na showing sa May 27, 2019, producer nito si Pops Fernandez at kasama sa cast si Bayani Agbayani. Ang last ay ang Kambal Karnabal na nalalapit na ang showing at produced nang nagbabalik na GMA Films.

Of course, patuloy na napapanood si AiAi sa Sunday Pinasaya at naggi-guest sa shows ng GMA-7.

Masaya ang puso

Tinupad ni Arjo Atayde ang sinabi sa Q&A sa presscon ng ‘TOL na “mag-usap tayo mamaya’ nang tanungin tungkol sa relasyon nila ni Maine Mendoza. After the Q&A, sinagot nga ni Arjo ang mga tanong sa kanila ni Maine.

Inamin nitong “exclusively dating” sila ni Maine, hindi lang niya masabi kung ilang months na, pero parang nasabi na bago pa ang pelikulang Jack Em Popoy, nagde-date na sila.

“Everything” ang sagot ni Arjo kung ano ang nagustuhan kay Maine at marami ang kinilig sa sina-bing “masaya ang puso ko.” Pinagtanggol din niya si Maine sa mga basher dahil sabi nito, “she’s had enough.”

Hindi sinagot ni Arjo kung sinusundo niya si Maine after Eat Bulaga at sa tanong kung magpapa-block scree-ning ito sa ‘TOL, “hindi ko alam” ang sagot ni Arjo.

Masaya ang shippers nina Arjo at Maine na f­inally nagsalita na si Arjo sa estado nila, may AlDub na nalungkot at may mga umaasang in the end, sina Maine at Alden pa rin. Pero marami pa rin ang naniniwalang hindi totoo ang Arjo at Maine at gumigimik lang daw si Arjo para sa kanyang career.

Jak faney na faney kay Bea

Pinost ni Jak Roberto ang picture nila ni Bea Alonzo na nakita niya sa Mactan Cebu Airport. “Speechless” ang caption ni Jak sa litrato nila ng Kapamilya aktres na kaya nagkapagpalitrato siya dahil na-delay ang flight nila pabalik yata ng Manila.

Parehong galing sa Cebu sina Bea at Jak, hindi namin alam kung ano ang prinomote ni Bea, pero si Jak, sumali sa Sinulog Festival at prinomote ang Kawasaki.

Siyempre, naisingit din ni Jak na ipromote ang Afternoon Prime nila nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na Kara Mia na malapit na ang airing.

For sure, okay lang kay Barbie na may picture sina Jak at Bea dahil open din naman siya sa pag-amin na crush niya si Dennis Trillo.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with