^

Pang Movies

Heart may ibang pinuntahan sa China!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart may ibang pinuntahan sa China!
Heart Evangelista

Winakasan na ni Heart Evangelista ang ispekulasyon ng marami na kaya siya nasa China ay para sa shooting ng sequel ng Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Nilinaw ng Ka­pu­so ­Sweet­­heart ang totoong da­hi­lan kaya siya nagtatagal sa China sa tweet niya kamakailan.

“For those who are asking I am not in China for film crazy rich. I am here for something else – can’t wait to share,” tweet ni Heart.

Hanggang China kasi eh inilalabas ni Heart ang pagiging fashionista kaya naman umandar ang utak ng media na movie ang ginagawa niya roon. Remember, nag-audition si Heart sa unang Crazy Rich Asians at ayon sa friend niyang writer ng book na si Kevin Kwan eh, muntik nang pumasok si Mrs. Chiz Escudero sa isa sa characters ng Hollywood film.

Lea kinansela ulit ang series of concerts sa ibang bansa

Binawi ni Lea Salonga ang una niyang pahayag na tuloy pa rin ang naka-schedule niyang series of concerts sa ibang bansa kahit na nga nakasaklay siya. Sanhi ng aksidente sa Japan ang pagkakabali ng buto niya sa isang leg.

Sa latest tweet ng Broadway superstar, ipinagbigay alam niyang kanselado na ang concert niya sa Hong Kong at Singapore dahil, “The injury is going to take longer than expected to heal and my doctors have given me strict instructions not to travel for the next several weeks.”

Inaayos na ang rescheduling ng shows na nakansela at abangan ang updates sa kanyang LeaSalonga.com.

Wala siyang nabanggit kung tuloy naman ang concert niya sa bansa sa February 22 kasama an international balladeer na si Josh Groban.

Bet ng ‘Pinas sa Miss Multinational hanggang top 5 lang

Bigo na makakuha ng back to back crown ng Pilipinas sa ginanap na Miss Multinational sa India last January 21. Hanggang Top 5 lang ang nakuhang puwesto ng bet nating si Kimi Mugford, isang Fil-Canadian beauty.

Ang nanalo bilang Miss Multinational 2019 ay si Daniela Nieto Mula sa USA habang si Kimi ay Miss Multinational Asia at winner ng two special awards, Best in Sports at best in Talent.

Si Sophia Senoron ng Pinas ang outgoing Miss Multinational.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with