Cherie at Jo
Cherie at Jo Berry parang David at Goliath nang magsabunutan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

Ano kaya ang reaksyon ng netizens kapag pinapanood nila ang primera kontrabida na si Cherie Gil at ang little people na si Jo Berry sa Onanay na nagpaparunggitan at nagsasabunutan, iisipin mong parang David and Goliath ang nag-aaway?

Isa ngang hindi malilimutang eksena kamakailan lamang, nang sugurin ni Onay (Jo) si Helena (Cherie) at nag-away sila, nasabunutan ni Onay si Helena at lumitaw ang itinatago niya sa ilalim ng kanyang headdress, na napapanot na pala ang kanyang buhok, kaya panalo sa laban si Onay.

Natawa si Cherie nang ipaalaala iyon sa kanya,

“Nilagyan nila ng extension ang buhok ko,” natatawang sagot ni Cherie. “Imagine nakipagpisikalan ako with a little person. But Jo is a pro, ang husay niya. Six months pa lamang naming ginagawa itong teleserye namin, pero makikita mo ang husay niyang umarte. Ganoon din ang dalawang bata, sina Mikee Quintos as Maila at Kate Valdez as Natalie/Rosemarie. They’re so sweet, pero kapag nag-aaway na sa eksena, they are both professionals, kung hindi maiwasang magkasakitan, alam nilang part iyon ng work.”

Ano ang masasabi ni Cherie na extended pa ang kanilang dramaserye?

“We thank God for this opportunity na na-extend pa kami. Kaya our director, si Gina Alajar, is all praises to God. Marami pang aabangan ang mga televiewers at lalong papaganda ang mga pasabog na eksena.”

Last Saturday ay special contestants sina Cherie, Mikee at Kate sa Boom segment ng Eat Bulaga kaya nakapag-imbita sila sa televiewers na mas marami pa silang dapat abangan sa story ng Onanay. Say ni Cherie, “abangan ‘nyo kung ano ang mangyayari kay Helena sa loob ng kulungan. Si Mikee, “lalabanan ko na si Natalie at hindi na ako papayag na maapi pa kami ni nanay Onay.”  Si Kate, “tatanggapin ko nang sumama na kay Aling Onay para makalabas sa kulungan ang Mommy ko, pero pahihirapan ko pa rin siya kapag magkasama na kami.”

Mukha ngang tututukan ito ng mga netizens, gabi-gabi pagkatapos ng Cain at Abel sa GMA-7.

Fans ni Kris excited sa stuffed toys

Marami ang naghihintay sa family reunion ng mga Aquinos na magaganap ngayong Sunday, with her sisters. Sa previous Instagram post ni Kris, sinabi niyang pinayagan siyang makalabas ng Sunday, provided may complete rest days siya ng Friday at Saturday.

Maraming nagwi-wish na sana’y magkita na sila in person ng kanyang Kuya PNoy (Noynoy Aquino) dahil matagal na raw silang hindi nagkakasama at nagkakausap nang personal.

Excited din ang mga fans sa promise ni Kris na ipamimigay niya ang kanyang Care Bears stuffed toys sa kanyang mga loyal supporters and friends na siniguro muna niyang malinis para hindi magkaroon ng allergy ang tatanggap nito.

 

CHERIE AT JO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with