Sawi na naman sa pag-ibig drama actor na graduate na sa rehab, hitsurang binalikan ang bisyo?!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 19, 2019 - 12:00am

Bothered ang ilang netizens sa napanood nilang na-upload na video ng isang drama actor sa Twitter na parang high na naman ito sa pinagbabawal na droga.

 

Kuha ang naturang video sa isang hotel room noong nakaraang New Year kung saan kasama ng drama actor ang dalawa pang lalaki at pare-pareho silang nakahubad at tuwalya lang at kumot ang nakatakip sa katawan nila.

May pinagti-trip-an ang naturang drama actor na isang kaibigan nila na nagtatakip ng mukha. Pilit na kinukunan ng drama actor ang friend niya na hiyang-hiyang dahil naka-bathrobe lang ito at walang suot sa ilalim nito. May kuha naman ang drama actor na nakahiga siya sa kama at parang high na high ang feeling niya.

Reaksyon ng mga netizen na nakapanood sa video ay parang nag-relapse ulit ang drama actor at mukhang tumira ito ng kung anong droga kaya para siyang wala sa sarili at tawa lang nang tawa.

May iba naman na pinagtanggol ang drama actor na baka masaya lang ito dahil Bagong Taon. Kapag tumawa ba nang tumawa ay nakadroga na agad?

Pero iba pa rin ang pakiramdam ng ibang netizens dahil ganito raw ang nangyayari sa drama actor kapag loaded ito. Ito rin ang dahilan kaya siya muling pinasok sa rehab dahil nag-relapse ito.

May dahilan daw ulit kasi kung bakit muling nakaramdam ng lungkot ang drama actor at ito ay dahil bigo na naman siya sa pag-ibig. 

Ayon sa isang netizen, nalaman daw ni drama actor na may ibang guy ang babaeng gusto niya at feeling niya ay ginamit lang siya nito para makaganti sa dating boyfriend nito.

Kung anuman ang totoo, sana ay hindi muling maapektuhan ang papagandang career ng drama actor. Paulit-ulit na lang daw kasi ang problema nito at magsasawa na ang mga taong tumulong dito kapag hindi pa ito maging matatag at matutong ikontrol ang sarili para maiwasan ang masamang bisyo.

Pinoy bibida rin sa Pixar film na Float!

Inaabangan na ng marami ang kauna-unahang all-CGI Filipino character ng short film na Float mula sa Pixar animator na si Bobby Rubio.

Si Rubio ang nagkumpirma nito sa kanyang tweet noong nakaraang January 11. Siya ang magsusulat at magdidirek nito. Mga Pinoy ang lead characters nito na kung tawagin niya ay Pixnoys at makikita na ito sa trailer ng Spark Short na mula sa Disney-Pixar.

“YES @rachjuramirez those are Filipino lead characters in my #Pixar #SparkShort! @Pixar’s first all #CGI Filipino characters! So technically, the first #Pixnoys! 

“I am proud to tell our stories. I know what it means to see our culture represented on screen! #RepresentationMatters”

Nakilala ang Pixar sa paggawa ng mga animated film features together with Disney tulad ng Toy Story, Finding Nemo, Finding Dory, Cars, The Incredibles, Coco, Brave, Monsters Inc., Up, Inside Out at Ratatouille. 
Ginawa rin nila ang mga award-winning short animated feature tulad ng Bao, Piper, For The Birds, Luxo Jr., Geri’s Game, Partly Cloudy, The Blue Umbrella and Knick Knack.

Ang Spark Short is Pixar’s experimental storytelling initiative that “welcomes new creative voices at Pixar Animation Studios to share their stories.” 

The first shorts premiere on Disney-Pixar’s YouTube starting February 4.

Comedienne na si Betty White, 97 na!

Nag-celebrate ng kanyang 97th birthday ang tinatawag ngayon na American Treasure na si Betty White.

Isang television legend si Betty na nakilala dahil sa mga classic TV shows na The Mary Tyler Moore Show at The Golden Girls. 

In her 90’s, aktibo pa rin si Betty sa pagpapatawa. Huli siyang napanood sa comedy series na Hot In Cleveland.

Si Betty na lang ang natitirang buhay sa cast ng The Golden Girls. Pumanaw na ang mga co-stars niyang sina Bea Arthur, Rue McClanahan at Estelle Getty.

Para sa kanyang 97th birthday, isang poker night party ang hinanda ni Betty para sa kanyang close friends. Hiling din ng veteran star na magkaroon ng maraming birthday cake.

“It’s incredible that I’m still in this business and you are still putting up with me … It’s incredible that you can stay in a career this long and still have people put up with you. I wish they did that at home,” sey pa ni Betty.

Tinanong nga ang 6-time Emmy winner kung ano ang sikreto nito sa kanyang happy and long life?

“Accentuate the positive, not the negative. It sounds so trite, but a lot of people will pick out something to complain about, rather than say, ‘Hey, that was great!’ It’s not hard to find great stuff if you look.”

Hindi rin daw nili-limit ni Betty ang kanyang pagkain sa mga health foods lang. Paborito raw niyang kainin ay hotdogs at uminom ng vodka.

PIXAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with