^

Pang Movies

Halik ni Lito tumalab kay Angel!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parang si Lito Lapid na at hindi na si Coco Martin ang bida sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil tutok na tutok na ang sambayanan sa romansahan nila ni Angel Aquino. Ang mga eksena na nilang nagsusubuan ng pagkain habang nasa damuhan, pangangabayo at pagliligawan ang nagpapakilig sa mga manonood, hindi na sina Alyana at Cardo na ginagampanan nina Coco at Yassi Pressman.

 

Hindi nakaligtas si Angel sa makamandag na halik ni Lito, kitang-kita na may asim pa rin ito.

Samantala, dahil sa nalalapit na eleksyon ay mawawala na rin si Lito sa Ang Probinsyano. Papaano kaya nila i-e-exit ang karakter niya gayung lalong gumaganda ang istorya ng pag-iibigan nila ni Angel? Abangan na lang natin.

Cain At Abel tatapusin na agad

Totoo ba na magbababu na ang seryeng Cain At Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo sa GMA-7? Bakit parang napakabilis naman yata.

Maganda naman daw kasi ang istorya, kaso medyo sablay ang ratings. Balita tuloy na ang pagbabalik ni Alden Richards sa drama acting ang ipapalit dito. Hindi na kasi nila matalo-talo talaga ang Ang Probinsyano, iba-iba ang mga pumapasok na artista at naiiba rin palagi ang kwento kaya hindi madaling kinasawaan. 

Ang hirap talagang espilengin ng mga manonood! Masyado silang choosy.

Monsour namigay ng regalo sa mga bilanggo!

Naihabol pa ni Makati congressman Monsour del Rosario ang mga regalo para sa mga bilanggo ng Makati City Jail. Binigyan niya ng mga gamit sa katawan ang mga ito dahil alam niya ang mga pangangailangan nila.

Malaki naman ang pasa-salamat ng mga nasabing bilanggo sa kanyang ginawa.

PBB mas bagay daw na Half-Pinoy Big Brother

Bakit kaya ganun? Grabe kung pilahan ng mga kabataang Pinoy ang mga pa-audition ng reality show na Pinoy Big Brother, samantalang pag umere naman na eh puro naman pala foreigner o may half ang mga kasali. Paano naman yung mga pumila at nagtiis para makapasok sa sinasabing pinakasikat na bahay sa ‘Pinas? Dapat siguro ang title niyan ay Half-Pinoy Big Brother para akmang-akma.                                       

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with