Jolo laging nakahandang ipahiram ang anak

Kagagaling lang ni former Senator Bong Revilla from Buhi, Camarines Sur, kung saan kasama niyang nag-distribute ng relief goods sa mga biktima ng baha sa isang baryo doon, hit badly by typhoon Usman ang asawa nitong si Bacoor Mayor Lani Mercado, Vice Governor Jolo Revilla at ang anak nitong si Gab.

Tinaon daw nila ang pamimigay ng tulong sa 14th birthday ni Gab who appreciated so much the gesture.

Anak si Gab ni Jolo sa anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano. 17 lang noon si Jolo nang manganak si Grace.

Grace has her own family now where she has children too. Ganunpaman, according to Jolo, anytime and everytime she wants to see and meet with Gab, he gives him that special privilege.

“I’m proud of Gab. Very proud,”  ani Vice Jolo. “He is doing well sa kanyang classes sa Dela Salle University in Alabang. Kung kausapin nga niya ako, si Papa at si Mama, in English,” ang natatawa pang patuloy ni Jolo.

Samantala, tahimik naman si Jolo nang tanungin namin tungkol sa relasyon nila ngayon ng aktres na si Jodi Sta. Maria na matatandaang naghiwalay noong Disyembre. Kamakailan ay nakita silang magkasama sa program ng kani-kanilang mga anak.

Jodi bawal pang magkuwento sa gagawing Hollywood movie

Of Jodi, balitang gagawa siya ng movie in Hollywood pero hindi pa raw siya puwedeng magkuwento tungkol dito. Ganunpaman, magiging abala pa rin siya sa ibang gawain, dahil bukod sa three films na nakatakda niyang gawin within the year, may serye siyang malapit nang simulan, ang Mea Culpa ng ABS-CBN.

She is determined na ipagpatuloy pa rin ang kanyang pag-aaral. Medicine ang kursong pinupuntirya ni Jodi once na natapos na niya ang kanyang Psychology course sa isang university in Parañaque City.

Thirty six years old na si Jodi ngayon, at ang anak niyang si Thirdy Lacson sa ex-husband nitong si Pampi Lacson ay 15 years old na.

Muntik noong maging hollywood star, Barbara Perez kuntento na sa pag-aalaga ng mga apo

One local actress who almost made it to Hollywood, Salve A., we remember Barbara Perez na sikat noong kanyang kapanahunan noong contract ta­lent pa siya ng Sampaguita Pictures bilang Audrey Hepburn of the Philippines.

Para talaga siyang si Audrey, she was tall and had a 19 inch waistline. She was offered a contract by the then very active international film firm, Universal Studios.

Ii-introduced na sana siya noon na kasama siya sa isang Cary Grant movie, pero dahil ang kanyang boyfriend noon na si Robert Arevalo ay nagyaya nang magpakasal, hindi na niya ito kinuha.

Now 81 years old, Barbara loves caring na lang to her apo, na most of whom are grown now.

Barbara and Robert have three children.

Mccoy umuuwi pa rin sa Tondo kahit may sarili nang condo

Kahit may nabili nang condo unit si McCoy de Leon near the vicinity ng ABS-CBN, ugali pa rin niyang umuwi sa kanilang bahay sa Tondo where he grown up and where his parents and siblings still live.

“Hinahanap-hanap kong makapiling sila,”  ani McCoy. “Lalo’t ang ingay ng mga nakababata kong kapatid. Sabihin na nating parang musika sa aking pandinig ang mga ingay nila,” natatawang dagdag pa ni McCoy.

Careerwise, no doubt, malaki ang pag-asang aangat lalo si McCoy. Lalo nga kapag kumita ang first movie team-up nila ni Elisse Joson, ang Sakaling Maging Tayo. A Black Sheep Productions which is opening in theaters nationwide bukas, January 16.

Sakaling Maging Tayo is directed by JP Habac, also stars Paulo Angeles, Chai Fonacier and veteran actor Bembol Roco.

McCoy is seen daily in the top series, FPJ’s Ang Probinsyano, starring in the lead role of course is Coco Martin.

A good dancer as well, McCoy performs with his fellow Hashtags dance group members in the noontime show, It’s Showtime.

Asked if he has a special someone right now, umiling si McCoy.

Both 23 years old, McCoy and Elisse were linked to each other before, but they are now kaput.

Show comments