Janella itsurang nakalaya na

Janella

Matapang na si Janella Salvador na magsuot ng one-piece swimsuit gaya ng pinost niya sa Instagram. Wala na nga namang magbabawal sa kanyang lover na si Elmo Magalona.

Bakas ng babaeng nakalaya ang mukha ni Janella pero para sa kanya, ang mukha niya nga­yon ay bilang pasasalamat sa mga kinain niya nitong holidays.

Pero bawi niya, “(...and okay...fine...for 2018 too.)”

Naku, matuto na sana si Janella sa mapait niyang karanasan sa pag-ibig, huh! Career muna ang tutukan dahil matagal na ‘yung huling movie niyang So Connected with Jameson Blake, huh!

Jasmine ibinalandra na naman ang payatot na katawan

Walang pakialam na nagpakita ng kanyang katawan si Jasmine Curtis Smith kahit na nga sinasabing anorexic ang byuti niya. Nag-post siya nang naka-two piece habang nasa bakasyon sa Australia.

Eh sa litrato ni Jasmine, comment ng kanyang Ate Anne Curtis, “I love you and I love your body!”

Hinangaan naman siya ng ilan niyang followers dahil sa inspirsyon si Jasmine para sa kanila na mahal ang body. Sagot ni Jasmine, “If you feel good, and are healthy, LOVE YOURSELF.”

Paolo lantad na lantad na kay ‘siopao’

Monthsary ang paandar ni Paolo Ballesteros sa kanyang Instagram na nilagyan ng dekorasyon ang parte ng kanyang bahay na may salitang two, puso at I love you na tila lobong nakadikit.

May kasamang pictures ‘yon ng memorable moments nila at nagpakita sa video ang tinatawag ni Paolo na “siopao,” ang kanyang special someone.

“Looking forward to many more. I love you siopao @i_lovegab.”

Eh sa Eat Bulaga kahapon, biniro ni Joey de Leon si Paolo tungkol sa post niya sa IG dahil anniversary ang akala ng senior Eat Bulaga Dabarkads. Pagtatama ni Pao, “Monthsary lang po!” saka bumati kay Gab.

Wala nang kailangang itago pa ni Paolo, huh!

Show comments