James bumuwelta sa mga nagdududa sa kanila ni Nadine!

Humugot si James Reid sa latest tweet niya sa mga tila nagdududa sa pagmamahal niya sa girlfriend na si Nadine Lustre.

 

“I love Nadine and support Nadine. Careless too. Don’t question that.

“Of course, we don’t condone any hateful comments towards anyone. Honestly, I don’t think it’s worth anyone’s time addressing them. Let’s focus on positivity. Careless won’t be working with anyone that insults my artists,” tweet ni James.

Nakasentro kasi ngayon ang utak ni James sa kanyang singing career hindi tulad ni Nads na gumagawa ng pelikula pero hindi siya ang kapareha.

Pero ipinagmalaki ng young actor na sa bagong kantang ginawa, ang Filipina Girl, tinulungan siya ni Nadine sa Tagalog lyrics, huh!

Kiko maligaya kay Devon

Mabagsik talaga ang kamandag ni Kiko Estrada. Living up to his surname talaga siya pagdating sa mga babae.

Hindi na nag-deny pa si Kiko nang tanungin namin kung girlfriend na ba na niya ang bagong Kapuso artist na si De­von Seron. Nagkita kami ng anak ni Gary Estrada sa Christmas party ng Regal Entertainment nu’ng umamin siya.

Masaya man sa lovelife, may kakaharaping problema ngayon si Kiko. Ayon sa kanya, sinunod lang naman daw niya ang manager niyang si Arnold Vegafria nang papuntahin siya sa isang event ng Kapamilya Network.

Eh nang magkita nga raw sila ni Jerome Ponce, sinabihan siya ng, “Welcome back!” Galing sa ABS-CBN si Kiko bago lumipat sa Channel 7.

“Ang manager ko na ang bahala diyan. Sinunod ko lang naman ang ipinagawa sa akin,” diin ni Kiko.

Palibahasa bata pa, hindi batid ni Kiko na sa konratang pinirpirmahan ng artista sa kada network, may provision sa kontrata tungkol sa option to renew ng network.

Anyway, after Kim Rodriguez and Barbie Forteza, kay Devon muna magpapakaligaya si Kiko, huh!

Show comments