^

Pang Movies

Richard at Bea gagawing loveteam, busy na sa training

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard at Bea gagawing loveteam, busy na sa training
Bea & Richard

Ang training kahapon nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo sa isang UFC gym.

Para sa isang primetime series na sisimulan nila sa January ang training na ‘yon ng pinakabagong ‘love team’ ng ABS-CBN.

Puyat-puyatan sina Richard at Bea noong Tuesday night dahil after ng ABS-CBN Christmas TV Special taping sa Smart Araneta Coliseum ay nagkaroon pa sila ng party at inabot na sila ng madaling araw.

In fairness, kahit alam naman ng lahat na masaya si Richard sa relasyon nila ng kanyang lovey-dovey na si Sarah Lahbati at si Bea naman ay okey na okey ngayon ang relasyon sa boyfriend na si Gerald Anderson, marami pa rin ang kinikilig kapag nakikitang magkasama sina Richard at Bea.

Sa taping nga ng ABS-CBN Christmas TV Special ay maraming nagsabing bagay talaga sina Richard at Bea na magka-partner.

Nasa GMA-7 pa lang si Richard ay marami na ang nagsasabing sana ay magkaroon sila ng pelikula.

Sexy actress/singer sunud-sunuran sa stylist/actress

Malaki pala ang impluwensiya ng isang very stylist actress na married sa isang politician sa mga desisyon sa buhay ng kaibigan niyang sexy actress/singer.

Kapag may mga proyektong ino-offer kay sexy actress/singer, kino-consult niya ang very stylist actress-friend.

Kapag may sinabi si very stylist actress kay sexy actress/singer tungkol sa mga offer sa kanya, kino-consider niya ‘yon.

May isang project na sobrang sexy ang role ni sexy actress/singer ang tinanggihan niya dahil sinabihan siya ni very stylist actress-friend na baka makaapekto pa ‘yon sa kanyang career.

Marami rin namang advices si sexy actress/singer kay very stylist actress-friend pagdating sa career at personal na buhay nito.

Jessy, Matteo at Piolo nag-share

Ang pa-Christmas/thanksgiving party for the entertainment press ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, kahapon.

In fairness to some stars/singers na talents ng Star Magic, nag-donate sila sa pa-raffle. Tatlo sina Jessy Mendiola, Matteo Guidicelli at Piolo Pascual sa mga nag-donate ng prizes.

May pa-best dress pa sila sa entertainment press na ang isa sa nanalo ay si Tessa Mauricio-Arriola ng SPEEd, kaya ang saya-saya!

Ruffa magpapa-block screening ng Fantastica!

Kahapon ay kausap ko si Ruffa Gutierrez. Napag-usapan namin ang tungkol sa pagba-block screening ng pelikulang Fantastica na isa sa o­fficial movie entries sa Metro Manila Film Festival 2018.

Balak ni Ruffa na magpa-block screening bilang suporta sa Fantastica na isa ang kapatid n­iyang si Richard Gutierrez sa mga bida.

 

vuukle comment

BEA & RICHARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with