^

Pang Movies

Maine at Coco bawal magromansahan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Siguro nga medyo nailang lang sina Maine Mendoza at Coco Martin sa kanilang pagsasama doon sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil bago sila nagsimula ng trabaho ay natuklasan nila na sila palang dalawa ay malayong magkamag-anak. Nagkaroon daw kasi sila ng family reunion at doon nga nagkita.

Kaya inunahan na agad ni Maine ang mga nagtatanong sa kanya kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling manligaw si Coco, at sinabing hindi puwede dahil magkamag-anak nga sila.

Hindi siguro puwede dahil hindi man inaamin sa publiko, sinasabing may girlfriend na si Coco. Iyan namang si Maine, wala pa ring inaamin pero mukhang may nakita na siyang seryosong manliligaw.

Pero iyong kanilang pagiging magkaanak ni Coco, malayo na rin naman ayon sa kanila, at hindi mo masasabing dahilan iyon para sabihing “hindi sila puwede”. Kahit na sa simbahan, o sa sibil man, sinasabing ang hindi lang puwede ay iyong hanggang second degree of consanguinity. Ibig sabihin hanggang doon sa mag-pinsang buo. Pero kung malayo na ang relasyon, puwede iyan.

Scientifically, may naniniwala ring hindi maganda ang magiging genes ng mag-asawang may hanggang second degree of consanguinity, dahil sa paghahalo ng halos parehong genes, pero kung malayo nang magkaanak, wala nang masama roon.

Nabanggit lang naman namin ito dahil sa totoo lang mali rin naman iyong dahil magkaanak kayo eh hindi na puwede. Kung ganoong malayo na rin naman ang relasyon ok lang iyon. Pero totoo rin namang may mga tao na sabihin mo mang malayo na ang relasyon, basta nalaman nilang sila ay magkaanak ayaw na. Iyan ay dahil sa maling paniniwala noong araw na ang malapit na magkaanak kung mag-aasawa ay magkakaroon ng anak na abnoy. Hindi naman po totoo iyon, pero talagang ipinagbabawal ang incest, at ang pakikipagrelasyon sa isang malapit na kaanak.

Bong pinapabalik na sa paggawa ng pelikula

May nagsabi sa amin, sana naman daw pagkatapos ng eleksiyon sa susunod na taon, gumawa naman ng pelikula si Bong Revilla. Baka sakali nga naman na siya ang bumuhay sa mga action pictures. Noong mamatay na kasi sina FPJ (Fernando Poe Jr.) at Rudy Fernandez, tapos ay naging busy rin naman siya sa pulitika. Si Robin Padilla naman nakulong nang tatlong taon. Walang nakasingit talaga noon sa action movies na kinagat ng mga tao, kaya namatay ang action movies. Baka nga si Bong ang makakumbinsi sa mga taong pasuking muli ang sinehan na nagpapalabas ng action movies.

Dapat ding gumawa ng pelikula agad si Mayor Richard Gomez. Siguro isang pelikula na kasama naman si Dawn Zulueta. Iyong kanilang last movie ay naging isang malaking hit. Mukhang mas kinakagat ng mga tao ang kanilang love team.

Kailangang makabawi naman si Mayor Goma dahil iyong huli niyang ginawang pelikula, tumulak.

Baguhang aktor nabiktima na naman ng kumakalat na sex video!

May nagva-viral na namang sex video ang isang baguhang male star. Sino ba iyang napakahilig na gumawa ng mga sex videos ng mga lalaking iyan? Papaano niya nakukumbinsi ang mga baguhan, at papaano siyang nagkaroon ng kuneksiyon sa kanila? Ito namang mga baguhang ito, sige nang sige nang hindi nag-iisip muna, tapos kung kumalat oras na may pangalan na sila at saka nagsisisi.

Aba eh mag-isip muna kayo riyan sa mga ginagawa ninyo.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with