^

Pang Movies

Fans ng Momoland ‘kinakatakutan’!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Fans ng Momoland �kinakatakutan�!

Naku Mama Salve ha, kainis na hindi natuloy ang presscon ng Momoland sa Seda Hotel. ‘Yun pa naman ang inaabangan ni Mel at Chaychay na pamangkin niya.

Hay naku, natakot ang FrontRow ni RS Francisco dahil sa rami ng gustong pumunta sa presscon kaya iniba ang oras at venue.

Sure ako na disappointed sila Rose, Vinia at Nitz lalo na ikaw Salve pero walang tatalo sa pamangkin ni Mel na umiyak at ready na sa pictorial with Momoland. Hahaha.

Buti na lang, hindi ako fan ng grupo or else iniyakan ko si RS Francisco para ituloy at bigyan ako ng chance sa pictorial.

Bongga naman kasi ang FrontRow, imagine, free ang meet and greet at may presscon pa, kaloka talaga ha. Hayan inaabangan na pati ang magaganap na concert for charity sa December 16 na talaga namang lahat ng banda ay kasama, pag ‘di pa naman maloka ang concertgoers niyan, ewan ko na.

Sasabihin ko kay RS Francisco na dalhin na si Jo In-sung at Nam Joo-hyuk kasabay Lee Seung-gi para maging masaya na sina Rose at Vinia, hahaha.

Jake may oras na kay Ellie

Love na love ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang kanyang apo na si Ellie kaya umapir siya sa 7th birthday celebration ng bagets noong Sabado, December 1.

Si Ellie ang apo ni Papa Erap sa kanyang anak na si Jake Ejercito at sa ex-girlfriend nito na si Andi Eigenmann.

Apo naman si Andi nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil sa kanilang sumakabilang-buhay na anak na si Mark kaya apo sa tuhod si Ellie ng mga veteran star.

I’m sure, never na inakala nina Papa Erap, Eddie at Rosemarie na darating ang araw na magkakaroon sila ng koneksyon dahil sa kanilang mga anak at apo.

Hindi lamang sina Rosemarie at Eddie ang dumalo sa grand 7th birthday celebration ni Ellie dahil nakisaya rin sina Cherie Gil at Gabby Eigenmann. Half-brother ni Andi si Gabby at tita naman niya si Cherie.

Si Jake ang first born son ni Papa Erap at ng former actress na si Laarni Enriquez.

On and off ang pag-aartista ni Jake dahil nag-concentrate ito sa pag-aaral niya noon sa Singapore pero active siya sa pulitika kapag panahon ng eleksyon.

Full support ang ibinibigay ni Jake kay Papa Erap na re-electionist bilang mayor ng Maynila sa midterm elections sa May 2019.

Madaragdagan ang mga responsibilidad ni Jake sa kampanya sa susunod na taon dahil tumatakbo naman na konsehal ng isang distrito ng Maynila ang kanyang panganay na kapatid na si Jerika.

Kahit busy si Jake, hindi siya nawawalan ng panahon para sa lovechild nila ni Andi. Si Jake ang tipo ng tao na iiwanan ang lahat ng kanyang mga ginagawa kapag kailangan siya ni Ellie na 7-years old pa lang pero matindi ang hilig sa gymnastics.

Paghuhukom ni Bong malapit na

Ngayon ang unang Monday ng December na nangangahulugan lang na papalapit na nang papalapit ang araw ng paghuhukom kay Bong Revilla, Jr.

Lalong sumisidhi ang mga panalangin ng mga nagmamahal kay Bong na maging pabor sa kanya ang desisyon ng Sandiganbayan tungkol sa kaso na kinasasangkutan niya.

Sa darating na Biyernes, December 7, ang araw na ibababa ng Sandiganbayan ang hatol kay Bong at hindi nawawalan ng pag-asa ang pamilya, concerned friends and fans ni Bong na magiging masaya ang Pasko at Bagong Taon niya.

Sa mga ganitong pagkakataon ko na naiisip ang paboritong linya ni Arnold Clavio, ang “Lord, Kayo na po ang bahala.”

vuukle comment

MOMOLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with