Richard tuwang-tuwa sa MayWard, LoiNie, at DonKiss!

Richard Gutierrez

Ayon kay Richard Gutierrez, masayang kasama sa shooting ng Fantastica ang young love teams nina Maymay Entrata-Edward Barbers, Loisa Andalio-Ronnie Alonte at Kisses Delavin-Donny Pa­ngilinan.

Nag-enjoy raw siya noong sinu-shooting nila ni Vice Ganda ang Fantastica dahil mababait ang young love teams na nabanggit.

Behaved daw ang mga ito. Noong una, nahihiya pa nga raw ang mga ito sa kanya kapag magkakasama sila sa set, pero later on naman, naging comfortable na rin sa kanya na pinuri rin ni Richard  dahil masisipag din ang mga ito na mag-promote.

Sina Kisses at Donny ay nakasama na ni Richard sa dalawang mall shows at excited din siya na makasama pa ang iba. “Ang dami naming mall shows. Meron din sa Cebu at iba pang mga lugar,” sabi ni Richard.

Samantala, inaabangan na ang full trailer ng Fantastica na malapit nang ipalabas!

 Balikan ng young loveteam imposible dahil sa hunk actor!

Pinag-uusapan ng ilang entertainment press ang tsikang imposibleng magkabalikan ang isang young loveteam dahil may karelasyon na pala si young actress na isang hunk actor.

Hindi lang daw open ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon dahil magagalit ang mga fan ng young love team.

Ang relasyon nga raw ng young actress sa hunk actor ang malaking hadlang sa pagbabalikan ng young love team.

Ang management team naman daw ni young actress ay ayaw manghimasok sa relasyon niya sa hunk actor dahil hindi naman daw siya open tungkol sa bagay na ‘yon.

Puwede raw pagsabihan si young actress ng kanyang management team kung magiging open siya sa sweetness nila ni hunk actor, pero hindi naman daw at behaved ito, kaya dedma na rin ang kanyang talent management sa bagay na ‘yon!

Ticket sa Christmas concert ni Jose Mari, lalong lumakas

Ayon kay Anna Puno, lalong lumakas ang benta ng tickets para sa Going Home To Christmas concert after makipagtsikahan sa entertainment press ng sinasabing King of Christmas Songs na si Jose Mari Chan.

Hindi tinanggap ni Jose Mari ang taguri sa kanya ng iba na Father of Christmas Songs kaya ang bagong title na ‘yon ang ibinigay sa kanya ng karamihan sa entertainment press na um-attend sa presscon ng Going Home To Christmas.

Nakakaloka nga lang pala na dahil ako ang nag-facilitate sa presscon ng Going Home To Christmas ay mara­ming nag-a-ask ng tickets sa akin, huh!

Para hindi ako mangarap, itinuturo ko sila sa Ticketworld outlets at sinasabihang tumawag sa 891-9999 or visit www.ticketworld.com.ph para alam nila kung may tickets pang available dahil wala naman akong hawak na complimentary tickets, ‘noh?!

Anyway, ang Going Home To Christmas ay handog ni Dra. Rhoda B. Espino of Metro EsthetiCo Skin and Wellness Center, in association with Starmedia Entertainment and Solaire Resort and Casino at sponsors naman ang Shea Mira Corporation, at Pink Cookie Project.

Show comments