Bohemian Rhapsody walong taon bago natapos
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 27, 2018 - 12:00am

I’m glad Salve A. na nahabol ko ang pano­nood ng hit biopic movie na Bohemian Rhapsody na isang buwan nang tumatakbo sa mga sinehan. Ang nasabing pelikula ay tumatalakay sa naging buhay ng British singer, composer, record producer at performer na si Freddie Mercury at ang kanyang kinabibilangang rock band, ang Queen nung siya’y nabubuhay pa.

Si Freddie ay sumakabilang-buhay sa edad na 45 nung November 24, 1991 sa sakit na AIDS.

Si Sacha Baron Cohen ang original choice para gumanap sa papel ni Freddie Mercury pero ito’y napunta kay Rami Malek matapos magkaroon ng creative differences si Cohen sa producers ng pelikula.

Taong 2010 pa binubuo ang Bohemian Rhapsody pero dahil sa mga problemang kinaharap ng production, natapos lamang ito last January 2018. Ginas­tusan ang pelikula nang mahigit $50-M pero halos $500-M na ang kinikita worldwide na nagsimula sa United  Kingdom nung October 24, 2018 at sinundan ng Amerika nung November 2, 2018 and the rest of the world.

John at Isabel nasilayan na ang baby boy

Kung baby boy ang magiging second baby ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, baby boy din ang isinilang na second baby ng mag-asawang John Prats at Isabel Oli na isinilang kahapon, November 26.  Ang bagong silang na baby ay pinangalanang Daniel Freedom.  Ang panganay ng mag-asawa ay si Lily Feather na mahigit dalawang taong gulang na.

Daniel enjoy sa pagiging stage BF!

Si Daniel Padilla mismo ang nagbansag sa kanyang sarili na “stage boyfriend” umano siya ng kanyang girlfriend at ka-loveteam na si Kathryn Bernardo laluna ngayong wala silang bagong TV and movie project na ginagawa matapos ng kanilang record-breaking movie na The Hows of Us na dinirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina.

Anim na taon na rin ang relasyon nina Kathryn at Daniel na nagsimula sa set ng Princess & I in 2012 na habang tumatagal ay lalong lumalalim.

BOHEMIAN RHAPSODY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with