^

Pang Movies

Movie Queen title ni Ate Vi, hindi maagaw-agaw!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Movie Queen title ni Ate Vi, hindi maagaw-agaw!

Napagkuwentuhan nga namin noong isang gabi, bakit sa panahon ngayon ay walang makapag-claim na sila ang movie queen? Iba’t iba ang kasagutan diyan. Una, may sinasabing queen of primetime, pero wala namang pelikulang hit. Mayroong sinasabing queen of comedy, pero hindi naman lusot sa drama. Mayroon nagsasabing teen queen, pero hindi naman ma-dominate ang market.

In short ang nangyayari ay nagkakaroon ng sinasabing “queen” ang bawa’t kategor­ya pero walang makapagsabing siya ang “movie queen”. In the first place sa panahong ito, wala namang ginagawang malalaking pelikula talaga para magkaroon ng isang bagong movie queen.

Kung ganoon, sinasabi nga nilang nananatiling movie queen ang huling nag-claim ng title na iyon na nananatili pa ring sikat. At sino pa nga ba iyong kung hindi si Vilma Santos.

Sinasabi kahit na ng mga kritiko, si Congresswoman Vilma Santos ang “last reigning movie queen”. Simula noon wala na ngang naglakas-loob na umangkin ng nasabing titulo. Nagawang pagsabayin ni Ate Vi ang mahusay na acting at ang kanyang box office appeal.

Mayroong malakas sa box office, corny naman ang arte. Mayroon namang magaling umarte, pero flop naman ang mga pelikula. At may sinasabi pa nga ang isang kritiko, “kailangan niyang mapanatili ang isang malinis na image. Hindi puwedeng queen kung questionable naman ang character, dahil lahat ng mga naging reyna ng pelikula malinis ang image”.

Kaya nga nagkakatawanan eh, dahil lumalabas na sa ayaw sa gusto natin, hanggang ngayon ay walang makakapalit kay Ate Vi bilang reyna ng pelikula.

Iyon nga lang, iyong reyna naman ay hindi makagawa ng pelikula dahil sa dami ng trabaho niya, pero kahit na kailan siya gumawa ng pelikula, movie queen pa rin siya.

Ibang fans ng AP wala na sa lugar

Wala namang nagsasabi na may masamang intensiyon ang seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Wala namang nagsasabi na sila ay may intensiyong manira ng image ng sino man. Kaya nga mukhang mali ang katuwiran ng ibang fans ng show na nagsasabing sinisiraan lang daw iyon, o kaya ay pinakikialaman.

Ang sinasabi lang naman, dahil sa kanilang treatment ng istorya, ang palagay ng kapulisan ay lalo pang nababahiran ang kanilang image. Dahil doon nga sa serye, iyong mga tiwaling pulis ang siyang nangingibabaw, at hindi mo maikakatuwirang purely fiction iyon dahil ginagamit ang pangalang PNP. Gina­gamit ang uniporme ng PNP. Sa mga eksena, ginagamit pati ang mga sasakyan at patrol cars ng PNP. Kaya nga hindi mo masasabing purely fiction iyon.

Wala namang sinasabing itigil ang show. Ang sinasabi lang ay huwag naman ganoon. Tama ang reaksyon ni Coco Martin. Gusto niyang ituwid kung ano man ang pagkakamali. Iyon naman kasing mga fanchita eh, sila pa ang masyadong umaangal.

Pag-reformat sa isang TV show, palpak!

Mukhang papalpak ang pagpapalit ng format ng isang TV show. Base sa narinig naming comments ng mga tao, mas gusto nila ang dating format ng programa.

Siguro nagpalit sila hindi lamang para mai-accommodate ang isang bagong artist kung di dahil natatalo na sila ng kalabang show. Pero hindi nila naisip na baka naman sa ginawa nilang iyon, natalikuran nila ang dati nilang audience na siyang umaangal ngayon. Tingnan na lang natin kung ano ang magiging resulta ng ratings, pero oras na pumalpak iyan, kawawa naman iyong tiyak na sisisihin.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with