^

Pang Movies

Xian pinagpalit si Nadine sa pagdidirek

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Xian pinagpalit si Nadine sa pagdidirek

Bukod kay Coco, si Xian Lim ay isa na rin sa mga bagong direktor. Sa kanya ibinigay ng Viva Films ang pamamahala ng kasalukuyang in production na pelikula, ang Tabon.

Masaya ang love of his life niya na si Kim Chiu sa kanyang na-achieve, matagal na raw kasing pangarap ni Xian na makapagdirek ng movie.

Narinig namin na kinailangan ni Xian na iwanan ang pelikula niyang Ulan kung saan makakatambal niya sana si Nadine Lustre para sa Tabon.

Tulad niya, busy rin si Kim sa kanyang career. Magsisimula na ito anytime soon para i-promote ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry niya na One Great Love, co-starring her for the first time with Dennis Trillo and JC de Vera.

Dito rin niya unang nakatrabaho ang Regal Entertainment at si Eric Quizon bilang kanyang direktor. Ayon kay Kim, mabait at magaling daw ito pero napakametikuloso.

Bukod pa sa One Great Love, isa rin ngayon si Kim sa host ng nagbukas na ulit na bahay ni Kuya, ang Pinoy Big Brother Otso. Kasama niya rito sina Toni and Alex Gonzaga, Robi Domingo at Melai Cantiveros.

Paminsan-minsan din ay naghu-host siya sa It’s Showtime.

Nang matanong namin siya kung bakit sa edad niyang 27 ay todo kayod na siya, ang sabi niya lang ay masaya siya kapag busy siya.

 “Besides, I should feel worried kapag wala na akong ginagawa,” pahabol ni Kim.

Well, kung sabagay.

Dingdong umaasa ng suporta sa Cain at Abel

Umaasa si Dingdong Dantes na magsisilbi ring trabaho para sa marami na nasa industriya ang bago nilang serye ni Dennis Trillo na Cain at Abel sa GMA-7 tulad ng makakatapat nilang serye na FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN, lalo na nga at magpa-Pasko pa.

Parehong nasa primetime at pinapalabas tuwing weekdays ang dalawang nasabing serye, pareho rin sila ng timeslot.

Aware si Dingdong na malaki na ang lamang ng series ni Coco. Pinakamatindi nga rito ay ang pangyayaring mag-aapat na taon na sa himpapawid ang Ang Probinsyano, kaya may solid na itong followers.

“But we are hoping,” susog pa ni Dennis, “that viewers will give us a chance to show kung anong klaseng series ang Cain at Abel. At kung bakit dapat rin nila itong panoorin.”

Dalawang beteranong showbiz icon ang kasama nila sa Cain at Abel, sina Eddie Gutierrez at Chanda Romero. Also in the cast are Rafael Rosell and Yasmien Kurdi.

Directors are Don Michael Perez and Mark Reyes, plus Toto Natividad, who used to co-direct Coco’s series with Malou Sevilla.

Coco is now one of the directors ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Vic relate sa pagiging tatay kay Maine

Kung at home raw si Vic Sotto sa kanyang role bilang tatay ni Maine Mendoza sa kanilang ongoing sitcom for GMA-7, Daddy’s Gurl, ‘yun daw ay dahil feel niya na he is just playing himself.

Kung ano raw siya sa Daddy’s Gurl, ganun din daw siyang klaseng ama sa tunay na buhay. Strict, pero kunsintidor din naman in a positive way.

Itanong pa raw natin sa kanyang dalawang anak sa first wife niyang si Dina Bonnevie. Referring of course to Danica and Oyo Sotto na pareho na ring may mga pamilya ngayon.

Si Danica ay kasal sa basketball player na si Marc Pingris, habang si Oyo ay sa magandang aktres na si Kristine Hermosa.

Mga magulang na rin ang dalawa, at feeling ni Vic, katulad niya ay magiging ideal na magulang din ang mga ito sa kani-kanilang anak.

Vic at Maine are again playing father and daughter sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry, Jack Em Popoy: The Puliscredibles na pinagbibidahan din  ni Coco Martin.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with