Mag-asawang tumatandang magkasama, nakakainggit!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 4, 2018 - 12:00am

Napaka-romantic palang tingnan ng dalawang tao na matanda na at puti na ang mga buhok pero i­naalalayan pa iyon asawang babae habang lumalakad, sabay nagdarasal at kapit-kamay na nagko-communion. I felt a lump in my throat seeing this two old couple being so sweet doing things together at their age.

 

Wow, what an inspiration. Iyon tumagal ang pagsasama n’yo, na sure ako hindi naman siguro smooth all thru out ang naging relasyon nila pero up to now together sila na masasabing talagang ultimate of romance. Lalo ngayon na para bang ang daling bumigay ng tao sa problema, ang da­ling mag fall out of love, ang daling mawala ang interest, paano nila na keep iyon love na iyon sa puso nila.

Ang strength of character, ang tibay ng loob, ang unconditional love how far does it goes? Kasabay ba ng pagmamahal na iyan ang paglipas din ng physical attraction?

Iyon bigla ayaw mo na rin ng ugali ng partner mo? O dapat synchronize lahat, emotional, physical, spiritual?

How can you keep yourself interested in one person thru the years of being together, hindi kaya ma-outgrow mo rin siya intellectually at physically?

Is their a solution pag parang nagsasawa ka na? How do you keep the romance alive that long, iyon takot sa commitment na ginawa n’yo nang pakasal kayo, iyon duty mo as a parent?

Talaga sigurong kailangan mo ang tatag, ang dasal. Kaya para sa akin, ang mag-asawa na tumagal ang pagsasama hanggang tumanda na sila, they deserve a medal, a prize, dapat sila maging huwaran. Sample to all that love can see you through the years. Hayyy inggit ako talaga Mama Salve.

Rico walo ang anak sa mga nakarelasyon

Dalawa lang ang anak ni Rico J. Puno na kilala ng publiko, sina Tosca at Rox pero ayon sa source ko, walo ang anak ng Total Entertainer sa mga babae na nakarelasyon niya.

Si Doris Tayag ang babae na pinakasalan ni Rico at siya lang ang alam ng publiko na Mrs. Puno. Kahit public property si Rico, walang masyadong alam ang mga tao tungkol sa personal life niya.

Ang girlfriend na si Queenie ang last girl na ipinakilala ni Rico na karelasyon niya noong sumailalim siya sa heart surgery noong 2015. Si Queenie ang kasama ni Rico nang magpainterbyu ito noon tungkol sa operasyon na pinagdaanan niya.

Cesar at bagong kinakasama hindi na nahirapang umamin

Annulled na ang kasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano noong September 2018 at ito ang pinaghihina­laan na dahilan kaya dahan-dahan nang inilalantad ng aktor sa publiko ang kanyang live in girlfriend na Socorro Angeles ang name.

Sa totoo lang, parang wala naman sa plano ni Cesar na ipaalam sa publiko ang relasyon nila ni Socorro aka Kath.

Nabulgar lang ang secret ni Cesar dahil sa Facebook post ng isang CHED commissioner na kinuha niya na ninong sa binyag ng kanyang youngest daughter.

Clueless ang CHED commissioner dahil wala itong kamalay-malay na inililihim ni Cesar ang personal na buhay nito.

In a way, nakatulong sa girlfriend ni Cesar ang honest mistake ng commissioner dahil nalaman na ng lahat na siya ang current inspiration ng aktor. Hindi na niya kailangan na itago ang katotohanan dahil pinalaya na sila ng katotohanan.

Amy pinupuri rin sa Halik!

Congrats kay Amy Austria dahil marami ang pumupuri sa acting niya sa Halik, ang primetime drama series ng ABS-CBN.

Nagpapasalamat si Amy sa lahat ng mga text message na natatanggap niya tungkol sa outstanding performance niya sa Halik.

Nakakataba ng puso ang mga message na pinapanood nila ang Halik dahil superb acting nina Amy at Jericho Rosales.

RICO J PUNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with