Regine waging-wagi sa Awit Awards
Naghakot si Regine Velasquez-Alcasid ng trophy sa Awit Awards bilang People’s Choice, Favorite Female Artist, at Favorite Album of the Year para sa R30 album nito last week lang.
Ngayong nakalipat na si Regine sa Kapamilya Network, tinatanong ng fans kung magiging Star Music talent na rin ba siya tulad ng kanyang kaibigang si Lani Misalucha, bilang kakapirma lamang nito sa nasabing recording studio.
Reyna rin si Regine sa Viva Records, pero hindi naman siya nagdamot na makipag-collaborate gaya sa ginawa nito kay Erik Santos at sa ibang singing artists.
Hindi naman nakalusot si Regine sa pamba-bash ng bitter na fans na nasaktan dahil sa pag-iwan nito sa GMA 7.
Pero worried din ang ilan na baka hindi gawing priority ang Songbird dahil maraming home grown artists ang ABS-CBN gaya nina Sarah Geronimo, KZ Tandingan, Angeline Quinto at marami pang iba.
- Latest