Edu mabigat ang kalaban

Edu Manzano

Kinabubuwisitan man ang character ni Edu Manzano sa FPJ’s Ang Probinsyano, nakatanggap naman siya ng magagandang salita sa ilang netizens nang mag-file siya ng certificate of candidacy bilang congressman sa San Juan City.

Pader ang babanggain ni Doods sa muli niyang pagsabak sa pulitika dahil isang Zamora ang mabigat na kalaban niya sa posisyon. Eh, base sa credentials ng aktor sa pulitika at educational background, may karapatan din siyang maging mambabatas.

“It’s time for a positive change! Mabuhay ka, Edu!” ayon sa isang nag-tweet.

Pagdating sa serbisyo publiko at pagiging honest, subok na riyan si Edu, huh!

Xian mas pinili si Bela kesa kay Nadine?!

Kinumpirma na ni Xian Lim na hindi na siya bahagi ng pelikula ni Nadine Lustre, ang Ulan. Gaya ng unang nabalita, si Carlo Aquino ang naging kapalit niya sa role.

Eh nang lumutang ang pagpalit ni Carlo kay Xian, binanatan si Nads ng ilang netizen na pinatutsadahang “flop queen.” To the rescue naman ang director ng pelikula na si Irene Villamor para sabihing wag pairalin ang pagi­ging negatibo.

Sumang-ayon naman ang Viva actor sa pahayag ng direktora sa nakaraan niyang tweets.

“Guys! Let’s not spread negative vibes! Be happy lang ok. Fighting nega with nega will not solve anything! Smile lang,” tweet ni Xian.

Nawala man ang oportunidad kay Xian na makapareha si Nadine, may bagong movie naman siyang sisimulan mula sa direksyon ni Sigrid Bernardo na si Bela Padilla ang kapareha niya.

Show comments