^

Pang Movies

Lea na-goodtime si Aga sa pagiging ‘makapal ang mukha’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lea na-goodtime si Aga sa pagiging �makapal ang mukha�
Lea Salonga at Aga Muhlach

May mga hindi nagustuhan ang joke ni Lea Salonga sa kaibigan niyang si Aga Muhlach nang kumanta ang aktor sa Gandang Gabi Vice sa promo nila ni Bea Alonzo para sa showing ngayon ng pelikulang First Love.

Kinanta ni Aga ang Sana Maulit Muli para kay Lea, kaya nag-tweet si Lea ng, “pasadong pasado...sa tapang, lakas ng loob at kapal ng mukha.”

Sa nag-react na hindi naman sintunado si Aga sa kanyang kanta, ang sagot ni Lea, “That key change though...” na ibig sabihin, pinakinggan talaga ni Lea ang pagkanta ni Aga.

Close friends sina Lea at Aga at kahit makarating kay Aga ang sinabi ni Lea, hindi magagalit ang aktor at matatawa lang. Aminado naman si Aga na hindi siya singer.

Samantala, nabanggit ni Lea na sina Simon Bowman, Esang de Torres, ang anak na si Nicole Chien at si Mark Bautista ang guests niya sa kanyang 40th Anniversary Concert sa October 19 & 20 sa PICC. Si Simon Bowman, ang British actor-singer na nakatambal ni Lea sa Miss Saigon, siya ang gumanap sa role ni Chris.

Victor Magtanggol dalawa na ang direktor!

Dalawa na pala ang director ng Victor Magtanggol dahil kinuha ng GMA-7 si Victor Soberano na makasama ni director Dominic Zapata na maging director ng action/fantasy/family drama teleserye na pinagbibidahan ni Alden Richards.

Kilalang action director si Victor Soberano at siya ang director ng action movie na The Trigonal at Blood Hunters na bida si Monsour del Ro­sario. Kasama rin si director Victor sa movies ni Jackie Chan, action ang kanyang forte, kaya tama siguro ang sabi sa amin na director Victor ang hahawak ng action scenes ng Victor Magtanggol.

Samantala, may mga bagong pasok na cast sa Victor Magtanggol, gaya ni Dave Bornea na magiging love interest ni Lindsay Johnston at si Janice Hung. Wu Shu champion si Janice, mahusay sa action scenes at mas na-excite ang viewers na mapanood siya sa mga action scenes.

Vickie pinuri si Jason sa pagiging beki

Nakakatuwang basahin ang convo nina Jason Abalos at GF na si Vickie Rushton nang i-post ni Jason ang teaser ng Asawa Ko, Karibal Ko na pinag-aawayan nina Jason at Kris Bernal ang lipstick na ginamit ni Nathan (Jason) sa eksena.

Sabi ni Vickie, “Gandaaaaa! Galing mo baba” na sinagot ni Jason ng “Thank you baba ikaw ang peg ko hahaha” at muling sumagot si Vickie ng, “tingnan natin yung pagiging mahinhin mo hahaha.”

Nabanggit pa naman ni Jason na hindi lang ang pananamit at kilos ni Vickie ang kanyang ginaya sa role ng transgender na si Catriona, pati ang pagi­ging mahinhin ni Vickie, kaya panonoorin siya ng GF.

Sa October 22, na ang pilot ng Asawa Ko, Karibal Ko kapalit ng The Stepdaughters, first time gaganap na transgender si Jason. C

Sandali lang ang labas ni Jason sa transgender teleserye dahil may gagawin siyang ibang teleserye sa GMA-7 na big project at big stars ang makakasama.

vuukle comment

AGA MUHLACH

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with