Jasmine, hindi mahabol si Anne

Jasmine Curtis Smith at Anne Curtis

Ayaw na maikumpara ni Jasmine Curtis Smith sa kanyang kapatid na si Anne Curtis. Pero puwede ba iyon, eh in the first place kaya nga siya napansin, kinuha ng TV5, binigyan ng break at inasahang sisikat ay dahil sikat ang kanyang kapatid na si Anne Curtis. Hindi maikakailang magkapatid sila, iyon nga lang naunahan siya ni Anne.

Ewan din kung bakit, pero dito talaga sa showbusiness, may paniniwalang hindi puwedeng sumikat nang sabay ang magkapatid. Sisikat din naman siguro, pero hindi ganun kasikat sa nauna. Hindi namin alam kung nagkakataon lang, pero simula noong araw ganoon ang paniniwala.

Naging movie queen si Gloria Romero, pero hindi masasabing napantayan ng kanyang kapatid na si Tito Galla kahit na iyon ay isang mahusay na actor. Sumikat nang husto si Susan Roces, pero sumikat din naman pero hindi natularan ng kapatid niyang Rosemarie Sonora.

Sumikat nang matindi talaga si Vilma Santos, pero hindi nakarating sa ganoong estado ang kapatid niyang si Winnie Santos. Hindi rin naman sumikat nang todo si Eddie Villamayor kagaya ng kanyang ateng si Nora Aunor.

Ang tindi ng kasikatan ni Aga Muhlach, pero hindi nakasabay ang kapatid niyang si Arlene.

Ganoon talaga ang kalakaran sa showbusiness. Hindi nga namin alam kung nagkakataon lang o ano talaga pero walang magkapatid na sabay sumikat.

Hanggang ngayon sikat na sikat pa rin si Anne Curtis, kaya masasabi ngang nahihirapan naman sa kanyang career si Jasmine. Hindi puwedeng sabihin na huwag siyang ikumpara.

Cheryl Favila pumiyok sa diskriminasyon

Nagpahayag naman ng sama ng loob si Cheryl Favila, ang dating exe­cutive ng TV Patrol na idinemanda ng sexual harassment ng reporter na si Gretchen Fullido. Nanawagan siyang ngayong may demanda at mapag-uusapan iyon sa tamang forum, ang korte nga, hindi na dapat gamitin ang media para sa labanang iyon.

Sinabi niyang simula nang lumabas ang isyu, siya at ang kasama niya sa kasong si Marilou Asprec ay nakaranas na ng diskriminasyon. Inamin din niya na inimbestigahan na iyon ng ABS-CBN, at kahit na napatunayang walang kaso ng sexual harassment “tinanggal” pa rin siya ng network. Inamin niya for the first time na nang mangyari iyon, naisip niyang idemanda ang ABS-CBN at si Fullido, pero minabuti niyang tumahimik na lamang muna, hanggang sa magsampa nga ng kaso si Fullido sa korte.

Tiyak iyon may sasabihin din si Gretchen at ang ABS-CBN sa bago niyang pahayag.

Aktres na ‘di na masyadong sikat hindi na dapat makisawsaw sa pagkandidato ng kaanak

Kung alam lang ng isang mahusay na aktres ang kanyang katayuan ngayon sa showbiz, na hindi naman siya masyado nang sikat, iiwas na siya sa pagkakampanya para sa isa niyang kaanak na kandidato sa ngayon. Kailangan matuto na siyang lumagay sa safe side. Hindi na siya dapat na pumasok sa pulitika at asikasuhin niya ang kanyang career para makabawi siyang muli, lalo na ngayong wala na siyang suporta mula sa mga “dati niyang inaasahan”.

Utakan lang iyan.

Show comments