Gerald Anderson
Gerald secured na sa relasyon kay Bea
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

More secured na raw with his lovelife now si Gerald Anderson, unlike when he was younger.

Alam niya raw na parehong nasaktan noon sina Kim Chiu at Maja Salvador nang magkahiwalay sila, pero alam niya rin daw na pareho nang naka-move on ang dalawa, katulad niya.

Open si Gerald sa pag-amin sa kasalukuyan na si Bea Alonzo is the love of his life. And happily for him, Bea admits she feels the same way for him. Ganunpaman, hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang kasal.

Pareho silang nasa early 30’s pa lang at si Bea ay magbi-birthday sa October 17 kung saan opening day ng pelikula nila ni Aga Muhlach na First Love, directed by Paul Soriano.

Speaking of First Love, nakaka-amazed daw ang makatrabaho si Bea ayon kay Aga, aware rin daw kasi siya na mahusay itong aktres.

Extra good nga raw ang grade na ibibigay niya kay Bea, dahil ‘di malabong manalo ito bilang best actress sa pelikula nilang First Love.

Para naman kay Bea, she admits over and over again na dream niya na makatrabaho talaga si Aga.

Alam n’yo ba na wala raw siyang movie ni Aga na ‘di napanood? Lalo na ang mga produced of course ng Star Cinema, which also co-produced First Love with TEN17 Productions and Viva Films.

Sam dala-dalawa ang pelikula sa MMFF

Pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry pala ang pelikula na pagsasamahan for the first time ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, with Sam Milby as their leading man.

Ang Mary, Marry Me ay mula sa production ni direk Paul ng TEN17 Productions and directed by RC delos Reyes.

Si Direk Paul ay asawa ni Toni.

Isa ang nasabing pelikula sa apat na final film na napili ng Screening Committee ng MMFF 2018. Ang iba pang tatlo ay ang One Great Love ng Regal Entertainment, directed by Eric Quizon. Pinagbibidahan ito nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC de Vera.

Kasama rin ang pelikulang Otlum ng Hershoe Productions kung saan si Joven Tan ang direktor at sina Jerome Ponce at basketball player na si Ricci Rivero ang magbibida.

Last but not the least ay ang Rainbow Sunset ni Direk Joel Lamangan and Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista as producer.

Kasama sa cast sina Gloria Romero at Eddie Garcia, plus Tony Mabesa.

Ang apat na entry na nauna nang mapili ay ang Fantastica: The Princesses, The Prince and the Perya ni Vice Ganda, Aurora ni Anne Curtis, Girl In The Orange Dress nina Jessy Mendiola at Jericho Rosales, at Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza.

Grabe itong si Sam Milby, Salve A., he has two entries in this year’s 2018 MMFF, ang Girl In The Orange Dress and Mary, Marry Me.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with