^

Pang Movies

Sexual abuse at sexual harassment talamak sa showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sexual abuse at sexual harassment talamak sa showbiz

Doon pa rin sa kaso ni Gretchen Fullido, ang kanyang alegasyon ay ginigipit siya sa kanyang mga katrabaho. Bukod doon, hinihingan daw siya ng sexy video o photo. Ibig sabihin base sa kanyang statement may resistance mula sa kanya, kaya sinasabi niyang may harassment.

Pero papaano kung hindi naman pinilit? Papaano kung kusang pumatol?

Naging takbo iyan ng usapan namin dahil sinasabi ngang kailangang palawakin ang imbestigasyon sa nangyayaring sexual harassment. Hindi naman maikakaila na may mga tsismis kahit na tungkol sa mga artistang lalaki na nagiging biktima niyan. Pero marami rin namang “hindi pinipilit” o “kusang sumasabit.”

Pero kung talagang iisipin, hindi ganoon ang sinasabi ng batas. Kahit na ang biktima ay hindi mo pilitin, o sabihin pang siya ang nag-alok sa iyo ng nangyari, kung ikaw ay nasa isang mataas na posisyon at masasabing pumatol sa iyo ang isang tao kapalit ng pabor na may kinalaman sa posisyon mo, sexual abuse pa rin iyon.

Hindi lang si direk at si aktor ang puwedeng imbestigahan. Kasama rin doon si “father”. Kasama din doon si “pastor”. Kahit na sino na maaaring makakuha ng pagtitiwala at umabuso, hindi man niya pinilit ang partner, o sabihin mang binayaran niya iyon kung menor de edad, sexual abuse pa rin iyon.

Kaya nga hindi masasabi na “may relasyon sila” o kaya’y “hindi naman siya pinilit”. Basta lumabas na nangyari ‘yun dahil sa advantage ng isa, kaso iyon.

Anuman ang sabihin ninyo, iyan ang batas.

Kaya maraming puputok sa mga imbestigasyong ganyan, pero dapat ang imbestigasyon ay totohanan. Dapat hindi sila maging selective. Lalabas talaga na maraming problema ang LGBT sa showbusiness, pero maitatago ba ang katotohanan?

Ang isang masamang possible namang mangyari, baka may mga taong nakipag-relasyon nang ganyan noong araw, o kaya ay “nagpabayad”, at dahil sa karanasang iyon ay maaari naman nilang i-harras ang mga taong “pagbibintangan nilang nambiktima sa kanila”.

Hindi rin naman maitatago ang katotohanan na may mga tao sa showbusiness, babae man o lalaki na naging involved sa mga “escort issues” kahit na noong araw. Marami rin sa mga iyan ay lumalampas sa pagiging mga “escorts”.

Papaano kung balikan nila at i-blackmail naman ang mga “naka-relasyon” nila noong araw dahil sa kasong ganyan? Hindi mo masasabi lalo na kung ang mga artistang iyon ay lubog na, wala nang mawawala sa kanila, at kailangan nila ng pera. Baka naman “blackmail” na ang mangyari. Hindi naman dapat kunsintihin ang ganoon.

Sunshine nagiging patola!

Hindi nagustuhan ni Sunshine Cruz ang ilang comments tungkol sa dekla­rasyong wala nang bisa ang na­ging kasal nila ni Cesar Montano.

Pero anuman ang opinion ng ibang tao, at anumang kampihan ang mangyari, hindi na nga siguro mahalaga iyon. Sa ngayon ang punto ay wala nang bisa ang kanilang kasal, pareho na silang malaya at magagawa kung ano man ang gusto nila.

Sa opinion lang namin, hindi na dapat intindihin ni Sunshine anuman ang sabihin ng ibang tao. Artista sila at hindi mo mapipigil ang comments sa mga nangyayari sa buhay nila, pero ano pa ba ang halaga noon?

vuukle comment

GRETCHEN FULLIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with