^

Ciara three years ang pinalipas bago nakahanap ng kapalit

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 29, 2018 - 12:00am

After almost three years of separation sa kanyang ex-husband na si Jojo Oconer, mukhang nakapag-move on na ang bunso nina Senate President Tito Sotto at veteran singer-actress na si Helen Gamboa-Sotto, ang singer-actress at pole dancer na si Ciara Sotto dahil meron na itong bagong boyfriend na hindi taga-showbiz.  Ang nasabing guy ay kasama na ng pamilya Sotto nang mag-celebrate kamakailan lamang ng kanilang wedding anniversary sina Tito Sen at Helen.

 

Si Ciara ay may three-year-old son na si Crixus (Vincezo Xose) sa kanyang dating mister na si Jojo.

Pagtakbo ni Piolo meron din sa abroad

Sobra ang pasasalamat ni Piolo Pascual sa Sun Life Financial dahil sa walang sawang suporta ng kumpanya sa kanilang makabuluhang proyekto, ang SunPIOLOgy, isang annual fund-raising cha­rity event na sampung taon nang tumatakbo. Dahil sampung taon na ang nasabing charity sporting event, ito’y tinawag na SunPIOLOgy TR10 na ang unang event ay gaganapin sa Bonifacio Global City on November 17 na susundan ng Sun Life Resolution Run at Sun vs Stars (with Star Magic) na sabay gaganapin on January 26, 2019 sa Camp Aguinaldo. 

Ang nasabing trio events ay para makalikom ng pondo para sa education, diabetes awareness at makatulong sa mga Filipino na mamuhay nang malusog.

Ang Sun Life Resolution Run ay hindi lamang sa Pilipinas magaganap kung maging ilang karitig lugar ng Asya tulad ng Malaysia (January 13, 2019), Indonesia (January 20, 2019), Hong Kong (January 27, 2019) at Vietnam (January 27, 2019).

Inaasahan ang pagdalo ng mga kilalang perso­nalidad sa Pilipinas na ang mga beneficiaries ay ang Hebreo Foundation, Institute for Studies on Diabetes Foundation, Nordhoff Foundation at Star Magic Scholars.

Ang registration ay bukas na ngayon sa www.sunpiology.com.

CIARA SOTTO TITO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with